in

Vanessa Raval scripted lang diumano ang ikinakalat na chat sa kanya ng isang sikat daw na rapper

Nabuking na diumano ng mga netizen na scripted at para magpasikat lamang ang viral posts ni Vanessa Raval.

Ilang araw na ngang usap-usapan sa social media ang anak ni Jeroc Raval na si Vanessa. Nagsimula ito nang isapubliko ng dalaga na may nangungulit daw sa kanya na isang sikat na rapper.

Base sa kanyang paglalarawan, nagsisimula ang pangalan ng rapper sa letrang D. Sikat daw. May anak na kaso iniwan lang. Pan6it. Ch3ater. Nagkatul0 na noon.

Ang karamihan ng mga hula ng mga netizen, si Skusta Clee diumano ito. Dahil saktong sakto daw ang mga clues para sa kanya.

At dahil dito ay agad namang umalma si Skusta o Daryl Borja Ruiz sa tunay na buhay. Hinamon niya pa si Vanessa na pangalanan daw ang tinutukoy nito sa kanyang mga post.

Nang pumalag na nga si Skusta ay biglang bawi naman si Vanessa, sinabi nitong hindi daw si Skusta ang rapper na nangungulit sa kanya.

Samantala, ilang netizens ang nakapansin na tila scripted lang daw ang ibinahaging screenshots ni Vanessa. Natuklasan din nila na may dummy account ang dalaga na ang pangalan ay Dande Lion.

Sa isang screenshot kasi ay makikitang binlock niya ang kausap at tinakpan ang pangalan nito at “Da” lang ang makikita.

Tugmang tugma ito sa pangalan ng dummy account na tinutukoy ng mga netizens. Isa isa din silang nagkalkal at napatunayan na kay Vanessa nga ang naturang account.

Tila gawa-gawa lang daw niya ito dahil inggit umano siya sa kasikatan ng kanyang kapatid.

Pero mariin namang pinabulaanan ng kapatid ni AJ Raval ang mga paratang na iyon ng netizens.

Skusta Clee umalma sa paratang na siya ang rapper na nangungulit kay Vanessa Raval!

Longtime celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza engaged na!