in

Skusta Clee umalma sa paratang na siya ang rapper na nangungulit kay Vanessa Raval!

Pinalagan ng sikat at kontrobersyal na OPM Rapper na si Skusta Clee ang viral post ni Vanessa Raval.

Kahapon ay naging mainit na usapin sa social media ang mga post ng anak ni Jeric Raval. Aniya may isang rapper daw kasi na hindi siya tinitigilan sa chat.

Hindi na nito nilabas ang pangalan ng tinutukoy na rapper ngunit matindi ang kanyang naging pahayag.

Sa kanyang Facebook post, nabanggit niya rin na mahilig ito sa malaman ngunit aniya ay huwag na siya dahil maganda ang lahi ng kanyang ama.

Saad ni Vanessa, “Isang rapper Ang Ayaw ako tigilan sa chat. Na babash kana sa pambababae mo Wala ka parin dala? Mahilig ka talaga sa malaman no? Wag ako, e ano kung sikat ka? Maganda lahi ng tatay ko wag Mong dungisan”

Sa comment section ng kanyang post ay sinabi ni Vanessa na ayaw niya nang banggitin ang pangalan dahil aniya ay mahirap na.

Ngunit kasunod nito ay naglabas din ang dalaga ng mga screenshot ng naging usapan nila ng tinutukoy niyang rapper.

Dahil dito marami ang nag-assume na si Skusta Clee nga ang tinutukoy ni Vanessa. Kahit pa nga tinakpan nito ang ilang info tungkol sa kanyang kausap.

Samantala, dahil dawit na naman sa panibagong isyu ay agad ding pumalag si Skusta ukol dito. Sa kanyang social media post ay hinamon niya si Vanessa na pangalanan kung sino talaga ang kanyang kausap.

Ani Skusta, “Ms. Vanessa Raval, I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone– meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan? I’ll be waiting.”

Sinundan pa niya ito ng “Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin ‍aasim nyo uy”

Itinanggi na rin ni Vanessa sa isa sa mga FB post niya na si Skusta ang tinutukoy niya.

Bianca Gonzales nagbigay ng reaksyon sa Unang SONA ni PBBM!

Vanessa Raval scripted lang diumano ang ikinakalat na chat sa kanya ng isang sikat daw na rapper