in

Raval Rivals? AJ Raval nagsalita na! Ayaw madamay sa isyung ginawa ng kapatid na si Vanessa Raval

Mas lalong pinag-uusapang ngayon sa social media ang isyu tungkol sa Raval sisters na sina AJ Raval at Vanessa Raval.

Nitong nagdaang linggo, hot topic online si Vanessa dahil sa kanyang pasab0g. Tungkol sa aniya’y isang sikat na rapper na nangungulit sa kanya sa chat.

Hinuha ng lahat ay si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy base na rin sa mga clues na kanyang inilathala.

Ngunit nang umalma na ang sikat na OPM rapper ukol sa isyung iyon, biglang kumambyo si Vanessa. Sinabi nitong hindi daw si Skusta Clee ang nasa blind item na kanyang inilabas.

Hanggang sa marami na ang nakapansin na tila gumagawa na lang ng istorya itong si Vanessa. Dahil wala siyang mailabas na ebidensya kung sino nga ba ang tinutukoy niya.

Samantala, dahil sa nakakaladkad na ang pangalan ng kanilang pamilya. Nagsalita na si AJ through her Facebook post.

Ani ng aktres, “I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa,” saad ni AJ. “Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa.”

Sinabi rin nito na hindi sila close ni Vanessa dahil hindi sila magkasamang lumaki. Hiling pa nga ni AJ ay sana raw huwag nang idamay ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya dahil labas sila sa isyu ni Vanessa.

Sa pahayag na ito ni AJ ay mas lalo namang pinag-usapan ang kanyang kapatid. Dahil inamin nito na scripted lang lahat ng isyu na kanyang inilabas.

Ginawa niya lang daw iyon para matakpan ang buntis isyu ni AJ pero hindi niya akalain na sa bandang huli ay itatanggi pa siya ng kapatid.

Sa ngayon ay pinagpepyestahan na ng mga b4shers si Vanessa.

Longtime celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza engaged na!

Pokwang at K Brosas naaksidente sa US!