in

Pokwang at K Brosas naaksidente sa US!

Sa hindi inaasahang pagkakataon dalawang komedyante ang na aksidente sa US ito’y walang iba kundi sila Pokwang at K Brosas na aksidente sa US.

Alam naman ng lahat na lumipad ang dalawa pa US kamakailan lang para sa kanilang show. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakakataon ay naaksidente ang dalawa habang lulan sila ng sasakyan

Ganu’n pa man, nagbigay naman ng update si K Brosas na sa kanyang Twitter at siniguro niya sa publiko na nakaligtas sila ni Pokwang at iba pa nilang kasama sa nangyari.

“So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises,” Ani ni K.

Dagdag pa ni K, “Naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL!”.

Samantala, Ibinahagi rin niya ang  itsura ng kanilang sasakyan na laking pasalamat nila na ito ay may kalakihan dahilan para hindi sila gaanong maapektuhan sa pagkakabangga sa kanila umano ng isa pang sasakyan.

“Eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe,” .

“Still thank you Lord talaga. Ok pa rin naman ako at kaming lahat. Stay safe po,” aniya.

Raval Rivals? AJ Raval nagsalita na! Ayaw madamay sa isyung ginawa ng kapatid na si Vanessa Raval

Beteranang aktres na si Cherie Gil namaalam na sa edad na 59