in

Longtime celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza engaged na!

Road to forever na ang relasyon ng magkasintahang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Matinding pasab0g ang Instagram post ni Maine Mendoza ngayong Biyernes. Ito ay nang ianunsyo niya na engaged na sila ng actor turned politician boyfriend na si Arjo Atayde.

Pinost ni Maine ang mga larawan nila ni Arjo sa naganap na proposal. Todo-flex din si Maine sa kanyang engagement ring.

Aniya sa caption, “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Kalakip nito ang ilang litrato na tila gulat na gulat pa ang magkasintahan.

Makikita din na ang background ng kanilang litrato ay punong puno ng mga puting rosas.

Ayon naman sa ilang source, naganap ang romantic proposal ng Kapamilya actor at Quezon City 1st District Representative sa “Eat Bulaga” host sa Tali beach resort sa Nasugbu, Batangas.

Samantala, sa Instagram post naman ni Arjo ay ibinahagi niya ang ilang kaganapan sa naganap niyang proposal.

Saad ng aktor sa kanyang post, “My turn, I will marry you cutie.  07.28.22″

Matatandaan na nag-viral ang post ni Maine noong July 28 2013, tungkol kay Arjo. Saad noon ng dalaga sa kanyang Tweet “Arjo cutie”

Bumuhos naman sa comment section ng kani-kanilang post ang mga pagbati para kina Arjo at Maine.

Sa Disyembre ay apat na taon na bilang magkarelasyon ang dalawa.

Vanessa Raval scripted lang diumano ang ikinakalat na chat sa kanya ng isang sikat daw na rapper

Raval Rivals? AJ Raval nagsalita na! Ayaw madamay sa isyung ginawa ng kapatid na si Vanessa Raval