Malaking usapin ngayon sa social media ang insidenteng naganap sa pagitan ng magka relasyong sina Kit Thompson at Ana Jalandoni.
Ito ay matapos mabilis na kumalat ang umano’y pambubugb0g ng actor sa kasintahan nitong aktres kahapon ng madaling araw.
READ ALSO:
Actual photos ng pagdakip kay Kit Thompson at habang nasa ospital si Ana Jalandoni viral na
Ayon sa mga ulat, humingi ng tulong si Ana dahil sa umano’y mapait na sinapit sa kamay ni Kit sa isang hotel sa Tagaytay.
Inaresto na si Kit at napiit sa istayon ng pulisya at nagpapagaling na si Ana sa malubhang sinapit.
Gayunpaman, ang kampo pa lang ng aktres ang naglabas ng update tungkol sa nangyari at tiniyak nila na mananagot si Kit sa ginawa nito kay Ana.
READ MORE:
Kaanak ni Ana Jalandoni, isinalaysay ang mapait na sinapit ng kapatid sa mga kamay ni Kit Thompson
Samantala, sa gitna ng kinakaharap, tila may update pa sa IG ang on going movie ni Kit kagabi.
Sa kanyang post ay nag plug ito ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang Moonlight Butterfly.
View this post on Instagram
Umani naman ng maraming komento ang post na ito ni Kit mula sa mga netizens.
.
Kung susuriin namang mabuti, ay tila isang fan page lamang ang nagpost na ito. At hindi ito ang official IG account ni Kit Thompson.
Sa ngayon ay wala pang nilalabas na pahayag ang kampo ng aktor tungkol sa pangyayari.