Mabilis na nag viral ang kontrobersyal na pahayag ni Kim Chiu tungkol sa mga pusa, na sinabi niya ilang buwan na ang nakakaraan.
Isang netizen ang umalma sa kanya sa Twitter, na buong tapang niyang sinagot at ipinagtanggol ang kanyang sarili.
Matatandaang 2 buwan na ang nakalipas, sinabi niya ang pahayag noong Madlang Pi-Poll segment sa It’s Showtime.
“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay.”
Moving forward, ni-retweet kamakailan ni Kim Chiu ang post ng isang netizen tungkol sa kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol sa mga maiingay na pusa.
Walang pagaatubiling humingi ng paumanhin ang Kapamilya actress at nagpaliwanag na hindi niya sinasadyang sabihin ang mga salitang yun.
Gayunpaman, nakakuha ito ng napakaraming negative comments mula sa mga netizens. May isang netizen na nag call out sa chinita Princess at hinimok itong mag apology sa naging pahayag tungkol sa mga pusa.
Nilinaw niya na humingi na siya ng tawad noon, ngunit gagawin niya itong muli para malinawan ang mga lahat.
“I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun.
Dagdag pa ni Kim, hangad niya na wag nang palakihin pa ang issue dahil wala naman daw talagang nasaktan.
But the thing is, Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions. Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan.”
Narito ang kanyang mga tweet,
I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…… https://t.co/GgzcD1hzSX
— kim chiu (@prinsesachinita) January 24, 2022
.
Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin. Mas gusto ng karamihan palabasin kang.. https://t.co/GgzcD1hzSX
— kim chiu (@prinsesachinita) January 24, 2022
.
Super mean, yung diin na diin.. kahit wala ka naman ginawa “pa”. Para kanang ginawa na masama sa mata nila. 😔 that’s the sad part. Pero kung may ginawa kang maganda hindi mashado papansinin. Pag masama.. “happy fiesta!” But oh well. Ganun sa atin eh. But Im asking for….. https://t.co/GgzcD1hzSX
— kim chiu (@prinsesachinita) January 24, 2022
.
Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan. https://t.co/GgzcD1hzSX
— kim chiu (@prinsesachinita) January 24, 2022
.
I hope I made myself clear. I hope this ends here. https://t.co/GgzcD1hzSX
— kim chiu (@prinsesachinita) January 24, 2022
Sa huli, hangad ni Kim Chiu na matigil na ang usaping ito at nalinaw na niya ang kanyang side.