in

Liza Soberano, binasag na ang pananahimik sa hiwalayan daw nila ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Naging mainit ang  mga balita na naglabasan sa isyung hiwalayan ng LizQuen kamakailan.

Marami ang naging haka-haka kung ano na nga ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa naging interview kay Liza sa TV Patrol kagabi, nilinaw ng aktres na si Liza Soberano ang isyu na napapabalitang hiwalay na daw sila ni Enrique Gil.

Ayon sa dalaga, “We’re fine, we’re totally fine. He knew all about my US trip and I had talked to him and I was like, ‘these are like really big opportunities that I don’t wanna miss up on. I hope you understand.’ He’s totally understanding about the whole thing and very supportive and yeah, we’re totally fine,” paglilinaw ng aktres.

Dagdag pa nito, alam naman daw ni Enrique ang dahilan niya sa pagpunta sa US at wala naman naging isyu sa kanyang boyfriend sa kanyang naging desisyon.

Samantala, wala naman din naging pag-amin ang dating manager ni Liza na si Ogie Diaz na kung hiwalay na nga ba ang kanyang alaga at si Enrique Gil.

Ani pa nito na okay na okay naman ang dalawa at dinner pa nga sila bago lumipad si  Liza sa US.

Nanay ng nobya ni Whamos Cruz na si Antonette Gail tuwang tuwa sa paparating niyang apo

Tom Rodriguez sumasailalim daw ngayon sa therapy sa America para sa kanyang mental health