in

Nanay ng nobya ni Whamos Cruz na si Antonette Gail tuwang tuwa sa paparating niyang apo

Mukhang all’s well that’s ends well na sa pagitan nina Antonette Gail del Rosario at ng kanyang ina.

Tanggap na nga ng ina ni Antonette Gail na nabuntis ang kanyang anak ng nobyo nitong si Whamos Cruz.

Matatandaan na noong June 20 ay inanunsyo nina Antonette at Whamos via social media. Na magkakaroon na nga sila ng baby.

Marami sa kanilang mga followers ang natuwa sa balitang iyon pero ang mas naging masaya ay ang ina ni Antonette.

Kung dati ay pinipilit nito bawiin ang anak kay Whamos, ngayon ay supportive mother na ang peg nito sa kanyang buntis na anak.

Ayon kay Antonette, ang kanyang mga magulang at mga kapatid ang unang nakaalam ng kanyang kondisyon.

“Ang una ko pong sinabihan syempre lahat ng family namin. Yung mga reaksyon nila sobrang saya dahil may pinaka magandang blessing si God na binigay samin,” ani Antonette.

Ibinalita rin niya sa publiko na maayos na ang relasyon ng kanyang ina at ni Whamos.

“Okay naman ‘yung relasyon ng mother ko and Whamos. Yung past pinag-usapan na namin ganoon talaga maraming bagay ang susubok sa inyo pero in the end mas mabuti pa rin na okay ang family namin nanakapalibot saamin,” pagbabahagi niya pa.

Sa katunayan, sumama pa ang ina  sa scheduled check-up ni Antonette nitong nakaraang araw.

Dennis Padilla, sumama ang loob nang hindi man lang naalala ng kanyang mga anak noong Father’s Day

Liza Soberano, binasag na ang pananahimik sa hiwalayan daw nila ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil.