in

Couple vlogger na sina Whamos Cruz at Antonette Gail masayang ibinalita na magkaka-anak na sila!

Masayang ibinalita ng magkasintahang vlogger na sina Whamos Cruz at Antonette Gail na magkakaroon na sila ng baby.

Sa isang video na ipinost ni Antonette nitong Lunes, Hunyo 20, ipinakita niya kay Whamos ang dalawang positive na pregnancy test noong June 6.

Mababakas naman ang tuwa ni Whamos na napayakap agad sa nobya nang makita ang magandang balita.

“Sa totoo lang kasi, actually pinag-isipan namin nang matagal ‘to, hindi lang namin basta ginawa ‘to. Pinag-isipan namin nang maigi,” sey ni Whamos.

“May dumating nanamang blessing sa amin. Sa lahat ng blessing na dumating sa amin ito yung pinakamagandang blessing para sa amin. Magkakababy na kami guys,” dagdag pa niya.

May mensahe na rin sila sa mga bashers na alam nilang hindi pa rin umano sila tatantanan.

“At syempre, sa lahat ng mga mamba-bash diyan, panigurado ‘yan iba-bash niyo kami. Ito lang ang sasabihin namin sa inyo, sa lahat ng mga bashers, go lang, i-bash niyo lang kami. Basta kami, wala kaming pakialam sa inyo. Dahil una sa lahat hindi kayo ang gagastos dito.”

Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programang Raffy Tulfo in Action kung saan nagsumbong ng ina ni Antonette. Ito ay dahil sa tutol ang ina ng dalaga sa pagsasama nila ni Whamos.

Ngunit sa huli ay nanaig ang kanilang pag-iibigan na kanilang ipinaglaban, na ngayon ay nagbunga na!

Bagong video ni Flow G na may kasamang ibang babae pinagpepyestahan ngayon online

Dennis Trillo, sa wakas ay pinasilip na sa publiko ang mukha ng baby girl nila ni Jennelyn Mercado