in

Bagong video ni Flow G na may kasamang ibang babae pinagpepyestahan ngayon online

Muli na namang pinagpepyestahan ngayon sa social media ang OPM rapper na si Flow G.

Isang resibo na naman na patunay na diumano’y may ibang babae si Flow G ang muling lumabs online.

Matatandaan, kamakailan lamang ay nag-trending ang mga ebidensyang inilabas ng vlogger na si Maka6a6o. Na kabilang din si Flow G sa mga kaibigan niyang sina Skusta Clee at King Badger na nil0ko ang kani-kanilang partner.

Ilang screenshot nga ang ibinahagi ni MG na makikita ang conversation ni Flow G sa isang babae. Gayung may girlfriend at kinakasama na ito na si Angelica Jane Yap o mas nakilala bilang si Pastillas Girl.

Pero hindi naman naapektuhan ang relasyon nina Flow G at Pastillas Girl nang dahil sa isyung iyon.

Ayon pa nga kay Pastillas Girl ay mas pinili nila ni Flow G na magmahalan. At ayusin privately kung ano mang problema ang mayroon sila.

Samantala, ngayong ayos na ang gusot na iyon, isang video na naman ni Flow G ang lumutang. Sa post ng Facebook page ng ISYUS ay ibinahagi nila ang naturang video clip.

Kung saan makikita na may kasamang ibang babae si Flow G habang nakasakay sila sa kotse.

Ang babae ang may hawak ng ginamit na pang video, at nang iginalaw nito ang camera ay nakitang nasa passenger sit si Flow G.

Agad na pinutakte ang nasabing video at muling tanong nga ng netizens kay Pastillas Girl. “Akala ko ba walang bahid ng dumi si Flow G?”

Tom Rodriguez, ilang beses na daw nagbalak wakasan ang buhay, dahilan kung bakit din sinukuan ni Carla Abellana ayon kay Ogie Diaz

Couple vlogger na sina Whamos Cruz at Antonette Gail masayang ibinalita na magkaka-anak na sila!