in

Nang dahil sa Live video ni Bong Revilla, tinatagong girlfriend ni Sandro Marcos nabunyag!

Tiga Tacloban pala ang nobya ng presidential son na si Sandro Marcos!

Magmula nang makilala si Sandro sa publiko, maraming kababaihan na ang nahumaling sa kanya. Pero lingid sa kaalaman ng publiko ay may itinatagong nobya pala ang binata.

At ito ay nabunyag dahil sa Facebook live video ni Sen. Bong Revilla. Sa post ng Facebook page na ISYUS, ibinahagi nila ang isang video clip na kuha nga sa nasabing live ni Sen. Revilla.

Makikita sa nasabing video na kinakamayan ni Sandro ang misis ni Sen. Bong na si Lani Mercado. Nagkaroon naman ng small talk ang dalawa tungkol sa nobya ni Sandro.

Ani Lani, “Hello Sandro, ang girlfriend mo pala is taga tacloban, nakwento ni Bryan sakin”. “Yes po, but atin atin lang yan ah,” na tugon naman ng binata.

Bandang huli ay maririnig naman ang nakakatuwang halakhaka ni Sen. Bong na inaasar pa si Sandro. Saad nito, “Hahaha, may sikreto ka ha”

Samantala, sa ulat naman ng Phil Star, napag-alaman na ang baguhang s3xy actress/singer na si Alexa Miro ang nobya ni Sandro.

Ang kampo mismo ng dalaga ang nag-kumpirma sa balitang ito, ayon pa sa source ng Phil Star, last year pa raw ang relasyon ng dalawa.

Pero ginawa nila itong pribado dahil meron yatang ‘di pabor sa kanilang relasyon.

Nung nakaraang eleksyon daw ay tumutulong si Alexa sa pangangampanya ni Sandro dahil magaling itong kumanta.

Video ni Iya Villana habang nag pupull up dalawang linggo matapos manganak, viral!

Bea Alonzo, nakatikim ng malulutong na mura mula sa isang sikat na online personality dahil sa ginawa niyang ito