in

Isang TikTok Influencer ipinakita sa madla ang pangungulit sa kanya ni Skusta Clee

Isang resibo na naman ang lumabas bilang patunay na talagang babaero ang kontrobersyal na OPM rapper na si Skusta Clee.

Trending na naman nga sa social media ang pangalan ni Skusta Clee, o Daryl Borja Ruiz sa tunay na buhay.

Isang TikTok influencer kasi na kinilalang si Abe Suriaga ang naglabas ng ilang screenshots. Kung saan makikita ang pangangamusta sa kanya ng mang-aawit.

Sa dalawang magkahiwalay na video na inilabas noong June 11 ni Abe Suriaga. Makikitang may pahapyaw na pangungulit si Skusta sa kanya.

Sa unang video, makikita na “Kamusta?” ang ipinadalang mensahe sa kanya ni Skusta bandang hapon ng araw na iyon. Kinagabihan ay sinundan ito ng dalawang magkasunod na thumbs up o like emoji.

Pero hindi ito ni-replyan ng dalaga at seen mode lang ang kanyang ginawa. Agad namang na-kwestyon ng mga fans ni Skusta kung legit nga bang ito ang nagmessage kay Abe.

Kaya naman gumawa siya ng panibagong video na nagpapatunay na mula sa verified Facebook account talaga ni Skusta galing ang mensahe.

Sa ngayon ay umabot na ng seven million views ang unang video ni Abe at three million views naman ang pangalawa.

Wala namang reaksyon o anu mang explanation na ibinigay si Skusta Clee ukol dito.

Matapos ni Carla, Tom Rodriguez maagap na sumagot at naglabas din ng kanyang paliwanag sa dahilan ng pagkasira ng kanilang marriage

Ama ng SUV driver na bumundol sa sekyu sa Manda sangkot din pala sa isang krim3n noong 1995