in ,

Ogie Diaz, ibinunyag na nakitira sa mga kaibigan si Tom matapos palayasin ni Carla Abellana sa kanilang bahay

Malaki umano ang naging epekto kay Tom Rodriguez ng hiwalayan nila ng kanyang asawang si Carla Abellana.

At ilan sa mga di magagandag karanasan na ito ay ibinunyag ni Ogie Diaz.

RELATED : Tom Rodriguez nalimas diumano ang naipong pera, na isa sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carla

 

Ayon sa comedian-talent manager na si Ogie, ilan daw sa mga kaibigan ni Tom ang kanyang nakausap. Dito niya umano nalaman ang mga umano’y “mababaw” na dahilan ng hiwalayan nina Tom at Carla.

 

Sa kanyang Showbiz Update vlog, sinabi ni Ogie na isang araw ay nabigla na lamang umano si Tom. Na nasa labas na ng bahay ang mga gamit niya.

 

Ginawa raw ito ni Carla matapos mabasa ang mga flirting message sa cellphone ni Tom. Mula sa isang babae pero hindi raw ito pinapansin ng aktor.

 

“Ito ginive-up daw ni Carla just like that… ‘yung relasyon nila ni Tom na napakatagal,” ani Ogie tungkol sa biglaang desisyon ng aktres na makipaghiwalay kay Tom sa kabila ng pitong taon na silang magkasama.

 

Ang sumaklolo nga daw sa aktor ay ang kaibigan nito at nakasama sa reality show na “Pinoy Big Brother” na si Sam Milby.

Dahil wala naman daw immediate family si Tom na naninirahan sa Pilipinas. Si Carla lang ang itinuturing nitong pamilya.

 

Noon pa man daw kasi ay binalaan na ng aktres ang asawa na huwag gagayahin ang ama nitong si Rey PJ Abellana.

RELATED: Ama ni Carla Abellana na si Rey PJ Abellana may isiniwalat tungkol sa hiwalayan ng anak kay Tom Rodriguez

Na naging matinik sa babae noon at marahil nga ay may tr4uma na ang aktres. Sa ganitong isyu kaya ayaw niya itong mangyari sa kanilang samahan.

 

Sa ngayon daw ay nasa Amerika si Tom at nakatira sa mga kaibigan dahil wala itong kapera-pera.

 

May sinabi rin umano kay Ogie na may mga raket na inaalok kay Tom pero hinaharang ito ng kampo ng aktres.

BREAKING: May-ari ng SUV na sangkot sa hit-and-run case sa Mandaluyong, sumuko na!

Carla Abellana di nakapigil, nadulas sa totoong ginawa sa kanya ni Tom dahil sa pagsagot sa comment ng isang netizen