in

BREAKING: May-ari ng SUV na sangkot sa hit-and-run case sa Mandaluyong, sumuko na!

Sumuko at lumantad na ngayon araw, Miyerkules ang may-ari ng SUV naka hit and run sa isang guard sa Mandaluyong City.

Sa programang Pulis @ Ur Serbis ng UNTV sa Camp Crame, nagpakita ang driver at may-ari ng Toyota RAV4 na kinilalang si Jose Antonio Sanvicente.

Kasunod ng panawagan ng publiko at ng pambansang pulisya na harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Ngunit ayon sa abogado ni Sanvicente, hindi talaga sila na-pressure sa panawagan ng pulisya na sumuko na sila. Ang person of interest ay lumantag upang makipag-usap sa mga abogado at iclear ang kanyang pangalan.

“Hindi naman under pressure but I think the proper remedy is kailangan magpakita siya to diffuse the public perception na nagtatago siya. At saka para ma-interview namin siya personally kung ano’ng nangyari.”

Hindi nga naman madedepensahan ang taong nagtatago, ayon sa abogado.

“You cannot defend a person in his absence, you cannot. Kailangan malaman namin ang katotohanan. Ang katotohanan will set you free, ‘di ba.”

Ilang araw na ang nakakalipas ngunit bigo ang pulisya na mahanap ang taong nakasagasa sa  gwardiya.

Hindi rin dumalo si Sanvicente sa mga pagdinig ng LTO, kaya humantong na sa revocation ng kanyang driver’s license.

Hindi rin umano siya natagpuan sa tirahan ng kanyang ama, ngunit sinabi ng abogado ni Sanvicente na maaaring maling lugar ang tinitingnan ng mga pulis.

“Siguro let’s clarify, kaninong bahay ang pinuntahan. Baka ‘yong bahay na pinuntahan ay ‘yong bahay ng parents niya. Let us make this clear: ang registration, ang address niya sa registered owner of the car, ‘yon ang bahay ng tatay niya.”

Depensa naman nito, matagal na daw wala sa bahay na yun si Sanvicente at hindi iyon ang mismong tahanan nito.

Relasyon ni Andrea Brillantes at Ricci Rivero mukhang hindi daw magtatagal ayon sa sinulat ni Cristy Fermin

Ogie Diaz, ibinunyag na nakitira sa mga kaibigan si Tom matapos palayasin ni Carla Abellana sa kanilang bahay