in , ,

Angel Locsin, pinasilip ang nakakarelax at bonggang Lake House sa Laguna

Marami ang napa wow sa quick escapade ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang lake house.


Ipinasilip ni Angel sa kanyang vlog ang nakaka-relax na tanawin sa kanyang Lake House sa Caliraya, Laguna.

 

Sa kanilang YouTube channel na “The Angel and Neil”, ibinahagi nila ang kanilang naging bakasyon sa Caliraya Lake.

 

Ani Angel, binili niya ang lake house malapit sa location ng TV series na pinagbidahan niya noon na “The General’s Daughter” sa Caliraya.

 

Ayon pa sa aktres, gustong-gusto niya ang lugar at nais niyang laging makapunta doon. Kaya naman naisipan niyang bumili ng property sa nasabing lugar.

 

“Nakuha ko ‘to nung The Generals Daughter pa, hanggang ngayon hindi ko pa nalalamanan… Nung nag-taping kami dito gandang-ganda ako.”

Aniya, sobrang peaceful ng lugar nung mga panahon ng pamamalagi nila para sa taping noon.

“tapos parang gusto ko ng property dito. Parang sobrang peaceful, kumuha na ako. Habang sumasabit ako kung saan-saan dito nung nag-eeksena kami as Rhian Bonifacio…” 

 

Samantala, nanghingi naman siya ng mga suggestions sa kanyang mga followers. Sa kung ano sa tingin nila ang magandang gawin sa Lake House.

 

“Iniisip pa namin kung ire-renovate ‘to o ibebenta, so kung may suggestions kayo… o kung paano ba idi-design, o aayusin so let me know… comment lang.” 

 

Narito ang kabuuan ng kanilang video:

Skusta Clee at umano’y babaeng sinipa ni Zeinab, nag flex ng kanilang sweet photo sa IG

Isang female tattoo artist may ibinulgar tungkol sa dahilan diumano ng hiwalayan nina Zeinab Harake at Skusta Clee