in ,

Matapos ang umano break up news kay Enrique Gil! Liza Soberano, nagpaliwanag na

Nagbigay na ng kanyang reaksyon si Liza Soberano ukol sa kumakalat na balita na hiwalay na sila ni Enrique Gil.

Kamakailan nga lamang ay may lumabas na blind item tungkol sa celebrity couple. Na diumano’y hiwalay na matapos ang ilang taon na relasyon.

Isa sa mga hula ng netizens kung sino nga ba ang tinutukoy sa blind item ay sina Liza at Enrique.

Hindi kasi magkasama ngayon ang magkasintahan, kasalukuyan kasing nasa U.S si Liza at ang kasama niya ay si James Reid.

Dahil dito ay mas lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na LizQuen nga ang tinutukoy ng blind item.

Kaya naman, sa pamamagitan ng dating niyang manager na si Ogie Diaz. Nagsalita na si Liza ukol sa isyung ito.

“Si Liza, nung nakarating sa kanya ‘to, tawa siya ng tawa kasi tinanong siya ni Tita Joni, ang kanyang tita. Kung sila pa rin ba ni Quen. Oo naman, jusko, sabi nga ni Liza, ‘Ano ba yan, si Quen pa nga susundo sakin sa airport.’ Sa kanyang pagbabalik dito from Hollywood.”

 


Dagdag pa nito,

“Ngayon po, kung tungkol sa LizQuen na tinatanong niyo sa akin, nag-DM kayo at nag-PM pa kayo sakin kung totoong hiwalay na, hindi po hiwalay ang LizQuen. Hiwalay lamang po sila ng bansa na pinuntahan.

Tanging hiwalay lamang daw ngayon ng bansang tinutuluyan ang sikat na couple.

“Si Enrique sa Spain, sa kanyang mga kaanak, kasama ang kanyang mommy at kapatid. Si Liza naman kasama ang kanyang bagong management group sa Hollywood sa pangunguna ni James Reid.” 

Ayon pa kay Ogie ay malaki umano ang tiwala ni Enrique kay James na ngayon ay kasama ni Liza sa L.A.

Andrea Brillantes, lasinggera daw? Cristy Fermin pinayuhan ang batang aktres

Hindi SELOS kundi “INGGITAN”, dahilan ng hiwalayan nila ni Barbie, binulgar na ni Diego Loyzaga