in ,

Andrea Brillantes, lasinggera daw? Cristy Fermin pinayuhan ang batang aktres

Pinuna ni Cristy Fermin ang pagiging lasinggera diumano ng young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

 

Sa online talk show na Showbiz Now Na! Kasama sina Morly Alinio at Romel Chika. Si Andrea ang muling naging topic nila Cristy.

 

Nagbigay ng reaksyon si Cristy sa video ni Andrea kasama ang nobyong si Ricci Rivero. Kung saan ginawa nila ang “Who’s Most Likely To” challenge.

 

May tanong kasi doon na sino ang laging lasing at si Andrea nga ang itinuro ni Ricci at inilubog ang ulo sa pool.

“Lasengga pala itong batang ito, sinabi mismo ni Ricci Rivero. Boyfriend niya nagsabi, lagi raw lasing,” saad ni Cristy.

 

“Hindi ba kapagka umiinom, may problema?” dagdag tanong pa nito sa kanyang mga co-host.

 

Sagot naman dito ni Morly, “Pero may umiinom din na masaya.” “Oo, selebrasyon. Pero sa palagay mo, nagse-celebrate ba si Andrea Brillantes?” hirit namang muli ni Cristy.

 

“Araw-araw, selebrasyon?” tanong din ni Romel. “Aba’y lasenggera nga ‘yon,” tugon ni Morly.

 

Nagbigay naman ng payo si Cristy para sa batang aktres. Aniya, “Sana, intindihin niya ‘yung edad niya. Kumbaga sa bulaklak, pabuka pa lang siya e. Sayang naman”

 

Kinuwestyon din ng veteran showbiz columnist kung bakit puro lalaki ang kaibigan ni Andrea. Ayon naman kay Morly at Romel wala naman daw problema iyon as long as walang masamang ginagawa.

 

Pero muling hirit ni Cristy, “’Yun na nga ang kwestiyon. Ang dami namang pwedeng kaibiganing babae, ba’t puro lalaki. ‘Dun na nga kako nag-uugat ‘yung lasengga siya.”

 

May mga bagay daw kasing nagaganap ng hindi namamalayan tuwing lasing.

Tom Rodriguez may pasabog sa kanyang pagbabalik! Netizens; binalaan patungkol sa katotohanan ng isyu nila ng kanyang Asawa na si Carla Abellana!

Matapos ang umano break up news kay Enrique Gil! Liza Soberano, nagpaliwanag na