in

James Reid kumpirmado ng bagong talent manager ni Liza Soberano ayon mismo kay Ogie Diaz

Kumpirmado na ngang si James Reid na ang bagong talent manager ng Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Sa bagong Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz na kasalukuyang manager ni Liza. Binigyang linaw niya na hanggang May 31, 2022 na lamang ang kontrata nila ng dating alaga. Aniya, ipinakilala na ng aktres ang bagong hahawak umano sa kanyang showbiz career.

Panimula ng pahayag ni Ogie, sinabi nitong marami na nga rin daw ang nagtatanong sa kanya. Kung siya pa rin ba ang manager ni Liza matapos sunod-sunod ang paglabas ng mga larawan ng aktres na kasama si James sa USA.

“Marami na rin ang tumatawag sa akin kung si Liza ba ay under my management pa rin at ‘pag may nagi-inquire sa akin, bakit ipinapasa ko sa iba.

“Unang-una sa lahat, technically, legally speaking, ako pa rin po ang manager ni Liza Soberano. Hanggang May 31, 2022,” pagkumpirma ni Ogie.

Inamin ni Ogie na bago ang hiwalayan ay nag-offer naman siya ng contract renewal kay Liza. Tinanong niya ang aktres kung gusto pa nitong mag-renew sa kanya at ang sabi raw nito ay pag-iisipan muna.

“Pero nag-decide si Liza na hindi na mag-renew thru long viber message,” aniya.

Nang matanong kung si Liza muna ang hahawak sa kanyang karera, sinabi ni Ogie na si James at ang grupo na nito ang hahawak sa career ng aktres.

“Ipinakilala na niya sa amin ang bagong team na hahawak ng kanyang career. May bago na siyang management. Pero ako naman kumbaga ‘yung transition ay unti-unti ipinapasa na namin si Liza sa kanya at ‘yun ay walang iba kung hindi ang team ni James Reid”

Ayon kay Ogie, hindi na raw masama ang 11 years na pagsasama nila ni Liza. At napakalaki raw ng utang na loob niya sa aktres.

Matapos ang insidenteng kinasangkutan sa isang bar, Zeinab Harake may pasaring sa bago niyang post

Toni Fowler, inaming muntik nang wakasan ang buhay, matapos maging “kabit” ni Jon Gutierrez