in

Matapos ang insidenteng kinasangkutan sa isang bar, Zeinab Harake may pasaring sa bago niyang post

Panay hugot ang mga post ngayon ng sikat at controversial vlogger na si Zeinab Harake na tila may pinapatamaan.

Sa mga nagdaang araw, naging mainit na usapin ang pangalan ni Zeinab. Una ay nang makunan siya sa second baby sana niyang si Moon.

Kasunod naman nito ay inamin niya sa publiko sa pamamagitan ng interview kay Toni Gonzaga sa Toni Talks ang mapait na hiwalayan nila ng dating partner na si Skusta Clee.

Hanggang sa kahapon lamang ay nasangkot siyang mula sa isang kontrobersiya. Na may sinipa daw siyang babae sa isang bar sa Quezon City.

Kinilala ang babae na si Aira Mae Lipata na diumano’y bagong kasintahan ngayon ni Skusta.

Matapos nga ang isyung iyon, panay hugot post naman ang binitawan ni Zeinab sa kanyang social media accounts.

Sa Twitter, tila may pinapatamaan si Zeinab sa kanyang mga post. Sabi kasi nito: “Pangit ka man sa paningin nila, tingin ko tama sila.”

Sa isa pa nitong post, sinabi nito na hindi bagay sa kanyang pinaparinggan. Na maging “sugar daddy” dahil hindi naman umano ito nagpaka-ama.

Kaya naman tinawag niya na lang ito na “sugar goat.”

“WALA KA NG SUGAR MOMMY IKAW NA ANG SUGAR DADDY AY DI KA PALA DADDY DI BAGAY SAYO SUGAR GOAT NA LANG,” saad pa nito sa isang post.

Samantala, wala namang binanggit si Zeinab sa kung sino ang tinutukoy nito, ngunit hula ng mga netizen na ang mga post ay para sa kanyang ex-partner na si Skusta Clee.

Nakaalitan umano ni Zeinab Harake sa isang bar sa QC pinangalanan na!

James Reid kumpirmado ng bagong talent manager ni Liza Soberano ayon mismo kay Ogie Diaz