in

Zeinab Harake spotted sa isang bar na may kasamang pulis at abogado

Viral ngayon sa social media ang mga larawan ni Zeinab Harake na may kasamang pulis at abogado sa isang bar.

Usap-usapan na naman ngang muli ang sikat na vlogger dahil sa nagkalat na larawan niya online. Kung saan naksuot siya ng sumbrelo, gray na pullover jacket at black pants habang may kasamang pulis at abogado.

Kuha ang mga larawan sa isang bar sa Tomas Morato, Diliman Quezon City. Ayon sa ilang netizens, may naka-away diumano si Zeinab sa naturang bar.

Nakatalikod ang vlogger pero kumpirmadong siya iyon, na may kasama pang abogado habang nasa tent.

May kapulisan din sa paligid na makikitang kausap ni Zeinab at tila kasama din niya ang ilang kaibigan mula sa Team Zebby.

Wala namang ibang impormasyon kung bakit nga ba may kasamang pulis at abogado ang vlogger. Pero base sa mga comments ng netizens ay may naka-away diumano si Zeinab sa bar na iyon.

Komento nga ng isang netizen na nakakita umano sa pangyayari, “Sunday night yan. Totoo palang sya yun. Around 4-5am saktong pagbaba ko ng taxi, nagwawala na sya sa harap labas ng Gside. May kaaway”

Sa ilan pang comment, may nagsabi na may sinipa daw na babae si Zeinab pero hindi malaman kung ano ang dahilan.

May nag-name drop din na ang babae diumano ay ang bagong nobya ni Skusta Clee na kinilalang si Aira Lipata.

Samantala, wala pang inilalabas na statement si Zeinab ukol sa isyung ito.

Matapos ib4sh ng sobra, PBA star Robert Bolick, ibinunyag na ang nakatagong lihim kung bakit nakipaghiwalay sa dating nobya at biglang nagpakasal sa iba

Nakaalitan umano ni Zeinab Harake sa isang bar sa QC pinangalanan na!