in ,

Xian Gaza, sinabihang ‘CHEAP’ at ‘YUCK’ ang show ni Toni Gonzaga na #ToniTalks

Kilala sa social media si Xian Gaza bilang isang self-proclaimed Pambansang Marites.

Bukod sa pagiging businessmann ay kinarir narin nito ang pagiging chismoso sa social media.

RELATED:

May nag PM kay Xian Gaza tungkol sa sikreto ni Ivana, binulgar na naturn off daw yung Prinsipe ng Brunei dahil dito…

Nito nga lang, muling umani ng maraming komento si Xian matapos niyang i-real talk ang Toni Talks. Ito ang YouTube talk show ng actress-host na si Toni Gonzaga.

Naging number one sa trending list sa YouTube ang ilang episodes ng nasabing YT talks show. Gayunpaman, ang mga recent episodes ng online talk show ni Toni ay hindi umayon kay Xian Gaza.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, sinabi ni Xian na nagiging cheap na ang programa ni Toni sa YouTube.

“Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class. Yucks.”

Bukod pa dito, nagkomento din siya sa mga content creator na wala nang maisip na maicontent kaya puro collab na lang ginagawa.

Sa kabilang banda, pinuri niya si Toni sa pagiging going with the flow sa social media para makatanggap ng mataas na view.

Pero para kay Xian, bumababa na ang value ng “Toni Talks” branding.

“From high-class national talk show to low-class vlog channel. Kahit Kakampink ako eh mas gugustuhin ko pa yung mga BBM moments niya noon kahit maraming haters. Ibang level. To the highest level. Malakas ang dating. Solid talk show.”

Dagdag pa niya, hybrid na ngayon nina Charo Santos at Korina Sanchez ang show.

 “Cheapipay pa ng mga gine-guest. Na-prioritize yung socmed mileage over brand quality.”

Sinabi rin niya na bago ang halalan, sasabihin niyang “petmalu” ang Toni Talks pero hindi na ganun ang nangyayari ngayon.

“Sobrang bigatin ng mga iniinterview. Very relevant sa buong bansa. Siya na ang bagong Queen of Talk Show ng Pilipinas! Pawer!” Anyare…”

RELATED: Magkapatid na Toni At Alex Gonzaga, ginulat ang marami ng makigulo sa video ni Toni Fowler

Ngayong buwan ng Mayo, itinampok sa talk show ni Toni ang mga content creator na sina Zeinab Harake, Viy Cortez, at Toni Fowler bilang bahagi ng kanyang Mother’s Day Special.

 

 

Ayon kay Cristy Fermin, Kris Aquino inihabilin na ang mga anak sa kanyang mga kapatid

Matapos ib4sh ng sobra, PBA star Robert Bolick, ibinunyag na ang nakatagong lihim kung bakit nakipaghiwalay sa dating nobya at biglang nagpakasal sa iba