in ,

Vice Ganda! Papalit sa pwesto ni Willie Revillame sa GMA 7?

Mainit na napag uusapan ngayon si Vice Ganda sa social media dahil sa kumakalat na isyu na lilipat ito sa GMA 7.

Nagsimula ang issue matapos makita ang Unkabogable Star Vice Ganda na kausap ang isa sa mga direktor ng kabilang istasyon.

Agad naman ipinaliwanag ng kaibigan at talent manager na si Ogie Diaz ang isyu sa kanyang vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update”.

Ang nasabing direktor pala na sinasabing kausap ni Vice ay walang iba kundi si Direk Edgar “Bobot” Mortiz. Ang direktor ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa Kapuso network na “Happy ToGetHer”.

Dagdag pa ni Ogie, nag-usap lamang ang dalawa para sa isang project na gagawin ni Vice sa ibang bansa.

Samantala, ayon naman ni Mama Loi, na baka dahil pag-uusap nilang ito kaya nagkaroon ng issue ng paglipat si Vice.

Dagdag pa nito, maaring pumalit sa pwesto ni Willie Revillame sa pag-hohost sa time slot nito na “Wowowin”.

Dahil sa hindi na nito pag pirma ng bagong kontrata nito sa GMA 7.

Bagamat hindi naman alam ni Ogie ang buong detalye ng pakikipag usap ni Vice kay Direk Bobot, sinabi naman nito na tanging ang proyekto lang nilang dalawa sa abroad ang napagusapan.

“Ang nakarating sa akin, sabi ng isang common friend namin ni Direk Bobot, parang merong show abroad na pinag-uusapan ‘yung dalawa, yun lang yun.” 

“Pero hindi ko alam bukod doon e nag-usap pa sila tungkol doon sa chismis na lilipat si Vice.”

Nagpahaging naman si Mama Loi na baka kaya din na may kumakalat na chismis ay dahil sa hindi pagpunta ni Vice.

Sa birthday celebration ng Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Tita Cory Vidanes.

Ngunit paliwanag ni Ogie,

“Hindi natin alam kung may network contract si Vice. Ang alam ko kasi ‘pag may network contract merong contract signing. Kaya nga hindi pa natin nakikita si Vice. Baka wala pang network contract o baka hindi pa expired ‘yung contract niya.” 

Ganun pa man, sabi rin nito kung may big decision naman si Vice ay iaannounce naman siguro nito sa It’s Showtime.

 

“NOT MY BABY!” Skusta Clee kinuyog ng mga netizens dagil sa cryptic post niyang ito

Ayon kay Cristy Fermin, Kris Aquino inihabilin na ang mga anak sa kanyang mga kapatid