in

Ayon kay Cristy Fermin, Kris Aquino inihabilin na ang mga anak sa kanyang mga kapatid

Naihabilin na umano ni Kris Aquino sa kanyang mga kapatid ang mga anak niyang sina Josh at Bimby.

Sa ‘Showbiz Now Na!’, kinuwento ni Cristy Fermin ang kaniyang nasagap na impormasyon. Kung saan pinagkatiwala na raw ng ‘Queen of All Media’ ang kaniyang mga anak.

Ito’y dahil sa lumalalang kondisyon ng kalusugan ni Kris, sakaling hindi daw magtagumpay ang mga treatment sa kanya. Ang mga kapatid na niya ang bahala sa dalawa niyang anak.

Ani Cristy, “Ito po ‘yung nakakalungkot. Kwento rin po naman ito mula din sa kanilang pamilya, na si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid”

“Kung ano man ang mangyari sa kanya, alam ng kanyang mga kapatid kung ano ang gagawin”

Ibinahagi din ni Cristy ang awang nadarama para sa mga anak ng Queen of All Media. Lalong lalo na kay Josh na may special needs.

“Ako’y naaawa kay Josh at kay Bimby kasi napakabata pa nila para mawalan ng ina kung talagang ito ay wala nang kalunasan. Lalo na si Josh, may mga special needs po si Josh.” saad ng batikang showbiz columnist.

Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kris through her social media post. Na life thr3atening na umano ang kanyang health condition.

Vice Ganda! Papalit sa pwesto ni Willie Revillame sa GMA 7?

Xian Gaza, sinabihang ‘CHEAP’ at ‘YUCK’ ang show ni Toni Gonzaga na #ToniTalks