in ,

Mga huling sandali at pangitain ni Ms. Susan Roces, ibinahagi ni Sen. Grace Poe

Sinabi ng anak ni Susan Roces na si Senator Grace Poe na inihanda ng kanyang ina ang kanilang pamilya para sa kanyang pagp4naw.

Sa isang panayam sa press na ginanap sa burol ni Roces sa Heritage Memorial Park sa Taguig City noong Sabado. Sinabi ni Poe na ang yum40ng veteran actress at Queen of Philippine Movies ay nagpakita ng mga palatandaan ng pagbabago sa kanyang mga huling araw.

“Nabigla rin kami pero kapag inisip namin ang kanyang mga gawain sa mga nakaraang buwan at linggo, inihanda na niya kami talaga.” 

Ayon kay Poe, noon ay inaabot silang isang oras o higit pa ang kanilang pag-uusap sa telepono. Gayunpaman, nitong mga huli ay nagmamadali na ang ina na tapusin ang kanilang pag-uusap.

“Sinasabi niya, ‘Sige na, sige na’ at parang nahahapo siya. Do’n na namin talaga napag-desisyunan ng aking mga pinsan na mukhang meron nang iba dito kasi hindi rin siya makakain. Ayaw na rin kumain.”

Nang dinala si Roces sa ospital noong Martes, sinabi ni Poe na nag-iwan din ang kanyang ina ng mga paalala. Para sa kanyang mga apo at nagreklamo tungkol sa pananakit.

“Ang pinagbibilin niya (ay) yung mga apo niya na kailangan daw dalhin namin sa Baguio ang mga bata. Tapos ang bahay daw ng Papa ko do’n, ayusin ko raw para yung mga bata, pwede mag-bakasyon do’n.”

Nang tanungin kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang ina, sinabi ni Poe: “Gusto ko lang sabihin sa kanya na maraming salamat hinanda niya kami.”

“‘Ma, parang nawalan ako ng saklay. Pero sabi mo naman palagi ‘di ba, ‘Grasya, kaya mo ‘yan. Kayanin mo ‘yan. Huwag mo akong papahiyain.’ So kakayanin namin at alam kong nand’yan ka.”

“Sa tingin ko, talagang nangulila siya sa tatay ko. Matagal na rin. Siguro walang buwan na nakalipas o madalas ‘pag nag-uusap kami, siya pa rin ang pinag-uusapan namin.”

“Syempre malungkot kami pero ‘pag inisip namin (na) wala nang sakit, hirap, at higit sa lahat, kasama na niya ang mga magulang niya at saka ang tatay ko — ‘yon talaga ang true love niya — ‘yun.”

Sinabi rin ng senador na laging nasa isip ni Roces si FPJ habang ginagawa ang kanyang mga proyekto sa showbiz.

Sinabi ni Poe na ililibing ang kanyang ina sa tabi ni FPJ sa North Cemetery.

Lolit Solis, lubusan naiyak at nakaramdam ng awa kay Kris Aquino dahil sa liham nito para sa kanya

“NOT MY BABY!” Skusta Clee kinuyog ng mga netizens dagil sa cryptic post niyang ito