in , ,

Zeinab Harake, napa Sana All! Hindi napigilang maiyak sa viral video nila Cong TV at Viy Cortez

Isa karin ba sa mga natouch sa viral video ngayon ng sikat na vlogger at influencer couple na sila Cong TV at Viy Cortez?

Kilala si Lincoln Velasquez o mas popular bilang si Cong TV sa mga pag gawa ng mga nakaka aliw at nakakatawang mga contect, pero this time.

Pero this time, kakaibang content, na mas malalim at inspiring ang napanood ng mga netizens.

Ipinakita kasi dito kung anong klaseng partner at soon-to-be father si Cong.

Nag-viral ang video ni Cong kung saan mas pinili niyang huwag tumuloy sa biyahe niya papuntang Vietnam. Para makasama ang kanyang girlfriend na si Viy na kasalukuyang nagdadalang-tao.

Mas pinili niyang manatili sa tabi ng nobya, kaysa sa masayang bonding ng kanyang grupo sa ibang bansa.

Kaya naman maraming nabilib at natouch sa hindi mapantayang pagmamahal ni COng kay Viy. Isa na rito ang kapwa sikat na vlogger na si Zeinab Harake.

Hindi napigilang maiyak ni Zeinab Harake nang mapanood niya ang video ni Cong. Sa Instagram story ng kapatid nito na si Rana Harake, pinakita niya ang reaksiyon ng kapatid.

Bagamat natatawa si Zeinab, mapapansin naman ang pagluha nito habang sinasabing, “sana all.”

Matatandaan kasi na emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa Toni Talks ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Kasabay din ito ng pagkawala ng ikalawa sana niyang anak habang nasa sinapupunan pa lamang ito.

Ayon sa kanyang kwento, mag isa lang niyang dinala ang sakit hanggang sa pagpapalibing dito dahil missing action ang ama nitong si Skusta Clee.

Natutuwa at nabibilib siya sa relasyon nila Cong at Viy dahil napaka mature ng dalawa. At mas pinipili ang pamilya kaysa sa ibang bagay.

Bagay na hindi niya naranasan sa relasyon nila ng OPM rapper/singer.

 

Isang malaking aral at inspirasyon ang iniwan ni Cong sa kanyang mga fans. Na lahat ay possible, posible pa lang kalimutan lahat ng masasarap na bagay basta alam mo ang priorities mo.

 

Jowa reveal? Diego Loyzaga sweet na sweet sa dating PBB housemate, palit na nga ba kay Barbie?

Julia Barretto’s epic reaction, nang biglang banggitin ni Alex Gonzaga ang pangalang ‘Bea’ sa harap nito