in ,

Julia Barretto’s epic reaction, nang biglang banggitin ni Alex Gonzaga ang pangalang ‘Bea’ sa harap nito

Isang na namang nakakatawa at good vibes video ang hatid ni Alex Gonzaga sa kanyang mga viewers.

This time ay kasama nito ang 25-years-old na aktres na si Julia Barretto sa nasabing vlog na may title na “Ukay Challenge”.

Inimbitahan ni Alex si Julia sa kanyang vlog para umano turuan kung paano maging “jologs”.

Sa kanilang video, nagpasya sila na magpagalingan sa paghahanap at pamimili ng damit sa ukay sa halagang 1K.  Ang dapat sanang seryosong pamimili ay nauwi sa sandamakmak na katatawanan dahil kay Alex.

Habang pinapakita nila ang mga damit na nakuha nila para sa isa’t isa, labis na natawa ang mga netizens nang ipakita ni Alex kay Julia ang isang floral blouse. Habang pabirong sinabi,

“Naalala namin yung nag-shampoo shampoo commercial ka diba? Tsaka nakita ko, suot ‘to ni Bea… Binene. Sa GMA.” 

Labis na nabigla si Julia nang marinig ang pangalang Bea. Napayuko na lamang ito habang natatawa sa hindi inaasahang narinig kay Alex.

Komento naman ng mga netizens, tila may ph0bia si Julia sa pangalang Bea at laging mabilis ang reaksyon nito kapag narinig ang pangalang ito.

Kung matatandaan kasi, naging isa sa pinaka malaking kontrobersya ang naging issue sa pagitan ni Julia Barretto at Bea Alonzo.

Sinasabi kasing si Julia ang naging dahilan ng paghihiwalay noon ng magkarelasyon na sila Bea at Gerald Anderson.

Samantala, marami naman ang nag enjoy sa vlog na ito ni Alex kasama si Julia. Sabi pa ng iba ay jive at bagay na magkasama ang dalawa.

Narito ang vlog na Alex Gonzaga:

Zeinab Harake, napa Sana All! Hindi napigilang maiyak sa viral video nila Cong TV at Viy Cortez

Lolit Solis, lubusan naiyak at nakaramdam ng awa kay Kris Aquino dahil sa liham nito para sa kanya