in ,

Jowa reveal? Diego Loyzaga sweet na sweet sa dating PBB housemate, palit na nga ba kay Barbie?

Usap usapangan ngayon ng mga Marites kung jowa reveal na nga ba ang mga larawang ibinahagi mismo ni Franki Russell sa kanyang social media account.

Iniintriga kasi ngayon ang dalawa matapos ibahagi mismo ni Franki sa kanyang social media account ang mga sweet photos nila ni Diego.

Ang nasabing post ay tila birthday greeting nito para kay Diego, “birthday boy. @diegoloyzaga.”

Bagama’t burado na ang post na ito ni Franki, mabilis namang nakapag screenshot at nakapag save ng ang mga netizens.

Ngayon araw kasi, May 21, ay mismong kaarawan ng aktor.

Dahil dito, mabilis naman ang naging reaksyon ng mag netizens at kanya kanyang post sa social media nang nakuha nilang resibo.

Pabiro pang itina-tag ng ilan ang ex ni Diego na si Barbie Imperial sa nasabing post.

Komento ng ilan,

“Shot puno agad Barbie nandito lang ako sa bahay naka ready na empi. Barbie Imperial.” 

“Happy Birthday Pareng Dieg’s more chicks to come. Mainit-init pa walang-wala sa lamig ng panahon ngayon. Na-save ko na girl, binura mo naman agad sa IG.

Diego Loyzaga and Franki Russell, SA PINAKAMAGATANG “TADHANA” TATTOO


Samantala, nalink naman noon si Franki kay Marlon Stockinger na ex ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Wala naman reaksyon o kumpirmasyon hanggang ngayon sina Diego Loyzaga at Franki Russell tungkol dito.

Mariel Padilla, prangkang inamin kung bakit hindi siya tinatawag na Mama ni Kylie Padilla

Zeinab Harake, napa Sana All! Hindi napigilang maiyak sa viral video nila Cong TV at Viy Cortez