in ,

BF ni Andrea Brillantes na si Ricci nakita umanong may ibang babaeng kasama sa loob ng bahay nito

Isang buwan pa lang ang relasyon ni Andrea Brillantes sa varsity player na si Ricci Rivero, ilang kontrobersya na agad ang kanilang kinakaharap.

May panibagong issue na naman kasi ang kumakalat ngayon sa social media laban sa UP Fighting Maroons player.

Sa post mula sa FB page na ISYUS, isang food delivery rider ang nagbunyag na may nakita umano itong ibang babae na kasama si Ricci.

 

“Nag deliver ako sa bahay ni Ricci Rivero kagabi, iba kasamang babae(three laughing emojis). Pabulong pa ako kinausap sa phone na direcho ako sa unit nila. Sabay tawa pag abot ko ng foods.”

 

Ang nasabing screenshot ay galing sa Facebook story ng rider na nagngangalang Arvin.

Biro pa nito, nais daw sana niyang mag-comment sa TikTok video ni Andrea at Ricci. Para sabihin daw niya na iba ang kasamang babae ng kanyang nobyo sa address na kanyang pinag-deliveran.

 

Hindi naman kumpirmado kung totoo nga ba ang sinasabi ng rider o gawa gawa lamang nito ang kwento.

 

Matatandaan na kamakailan lang din ay nadawit na sa isang issue si Ricci. Kung saan kumalat din sa social media na may pinusuan siyang video ng isang seksing babae.

 

Mariing namang pinabulaanan ni Ricci ang isyung iyon at pinagdiinan na edited daw ang nasabing kumakalat na screenshot.

 

Sa ngayon, wala pang reaksyon si Ricci maging si Andrea tungkol sa ibinunyag na ito ng delivery rider.

.

 

 

Nanaig ang hustisya! Mga magulang ng Maguad siblings naging emosyonal sa naging sintensya sa mga susp3k sa pagkawala ng kanilang mga anak

LOOK! James Reid at Liza Soberano, spotted na magkasama sa LA