in

Ine-endorsong beauty product ni Andrea Brillantes naglabas na ng bagong layout, out na nga ba ang aktres?

Naglabas na ng bagong proposed layout ang beauty product na ine-endorso ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Kamakailan nga lamang ay naging mainit na usapin na tinanggal na umano si Andrea. Sa mga product endorsement niya matapos masangkot sa sunod sunod na kontrobersiya.

Pinutakte si Andrea ng kritisismo dahil umano sa mga binibitiwan niyang pahayag sa social media laban sa resulta ng naganap na halalan.

Isa din sa naging matunog na isyu tungkol kay Andrea ay papalitan daw siya ni Kitty Duterte. Bilang mukha ng isang beauty product na inenendorso din ng batang aktres.

Ibinahagi ni Miss Glenda CEO ng naturang beauty product ang mga screenshot ng iba’t ibang maaanghang na komento ng ilang netizens. Na humihiling sa kaniyang tanggalin na si Andrea bilang product endorser.

Nakikiusap naman si Glenda na huwag na umanong yakapin ang ‘cancel culture’. At pabayaan na si Andrea sa pagpapahayag nito ng saloobin. Huwag din daw idamay ang kaniyang produkto

Samantala, sa gitna ng panawagan na ito ng maraming netizens na palitan na si Andrea. Naglabas naman si Glenda ng aniya’y proposed layout ng kanyang produkto.

Sa kanyang Facebook post saad ng CEO, “Reasearch and Development Team proposed layout… Papunta palang tayong sa exciting part”

Kalakip nito ang blurred photo ng naturang layout na agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens.

Marami ang natuwa dahil parang pahiwatig na ito na papalitan na ngang talaga si Andrea sa layout ng beauty product.

Samantala, wala pa ng inilalabas na ibang detalye ang CEO ukol dito.

Sakit ni Kris Aquino, nasa stage 3 na ayon sa mga doktor!

Francine Diaz at Seth Fedelin magtatambal na sa kauna-unahang pagkakataon sa seryeng ‘Dirty Linen’