in

Kampo ni Andrea Brillantes, sinabing f4ke daw at edited ang mga paninirang tweets mula umano kay Andrea

Talent management ni Andrea Brillantes umalma sa mga kumakalat na f4ke tweets na inuugnay sa Kapamilya actress.

Sa opisyal na pahayag ng Aguila Artist Management nitong May 13, 2022, nakasaad ang screenshots ng mapanirang tweets ni Andrea na may Twitter handle na “@iamandrea_b” at user name na “Andrea Brillantes.”

RELATED: Isang pang endorsement ni Andrea na sikat na beauty salon, matatanggal na dahil sa kanyang pagwawala sa social media

Makikita ritong pinalalabas na nakikipagbangayan si Andrea sa kanyang detractors gamit ang mga di magagandang salita.

Saad ng poser, “Shout out sa mahilig magkalat ng fake news! First of all wala akong porn, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng Hotdog yon, mga BOBO!”

“Okay lang may bold, at least di palamunin sa bahay.”

Pati ang presidential daughter na si Kitty Duterte ay idinamay pa ng poser.

Sabi ng poser, “Wag nyo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences.”

B4sh pa nito, “At Puro kayo ML kaya mga kabataan ngayon mga mang mang! boboto nalang yung Magnanakaw pa!”

Ang official Twitter handle ni Andrea ay @andrea_b.

Pero idiniin ng Aguila Artist Management na edited ang malisyosong tweets na ito kunsaan ginamit ang Twitter handle ni Andrea.

RELATED: Biglang natakot? Andrea Brillantes di na kinaya nag off na ng comment section

Narito ang kabuuang pahayag ng management ni Andrea:

“May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media.

“Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay p3ke o edited.

“Nananawagan kami sa publiko na maging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.

“Pinaalalahan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng cyber l!bel at may karampatang parusa.

“Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon.

“Maraming salamat po.”

RELATED: Ina at kaanak ni Francine, gigil na gigil kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinabi nito sa kanyang live

Isang pang endorsement ni Andrea na sikat na beauty salon, matatanggal na dahil sa kanyang pagwawala sa social media

James Reid nagbigay na ng reaksyon patungkol sa viral video niya na may hinalikang lalaki