in

James Reid nagbigay na ng reaksyon patungkol sa viral video niya na may hinalikang lalaki

Tila may sagot na si James Reid sa katanungan ng marami tungkol sa viral video niya ngayon.

Mainit na usapin nga ngayon sa social media ang video ng birthday celebration ng gwapong aktor na si James Reid.

Sa naturang video ay makikitang ilang malalapit na kaibigan lamang niya ang invited sa kanyang intimate celebration.

Pero ang nakapukaw ng pansin ng marami ay ang biglaang paghalik ni James sa isang hunk din na kanyang katabi.

Tilian naman ang kanilang mga kaibigan sa sweet gesture na iyon ng aktor at tila kinikilig silang lahat. Kaya naman agad na naging palaisipan kung ano o sino nga ba ang lalaking iyon sa buhay ni James.

Marami ang agad na naghinala na baka bumigay na din daw si James, Baka daw ayaw na nito sa mga babae kaya kapwa lalaki na niya ang kanyang nais.

May lumabas pa ngang video sa TikTok na ngayon ay burado na, na may caption na “James Rumored BF”

Sa comment section naman ay makikitang ang komento ng aktor na “Is True?” Kaya naman mas lalong nagulumihanan ang mga netizens.

Kung ang komentong ito ba ng binata ay pagpapatotoo na boyfriend niya nga ang hunk na hinalikan.

Samantala, sa post naman ng Fan page ni James, nakilala ang nasabing hunk na si James Thomas. Ito daw ay kasosyo ni James sa kanyang mga negosyo.

Napag-alaman din na naroon din sa naganap na celebration ang tunay na girlfriend ni James Thomas. At double birthday celebration pala ang naganap sa video na iyon.

Kampo ni Andrea Brillantes, sinabing f4ke daw at edited ang mga paninirang tweets mula umano kay Andrea

Bagong babaeng biktima umano ng panggogoyo at panloloko ni Rob Moya, lumantad