in ,

Sikat na celebrity makeup artist na si Fanny Serrano namaalam na sa edad na 72

Namaalam na ang famous celebrity makeup artist na si Fanny Serrano sa edad na 72.

Nagluluksa ang buong Philippine fashion at beauty community sa biglaang pamamaalam ni Serrano.

Kinumpirma ni Maktin Miranda, na ama ang tawag kay Fanny, ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media nitong Miyerkules.

Pum4n4w umano si Fanny dakong 9 pm nitong Martes “at the comfort of our home.”

Sa Facebook post, sinabi ni Maktin na, “the whole family is comforted by the fact that a lot of you are celebrating his life and paying tribute on how he has touched people’s lives.”

Ayon kay Maktin, nais sana ng pamilya na maging pribado ang kanilang pagluluksa.

Sa kanya ding Facebook post nagbigay tribute ang fashion designer na si Dave Ocampo para sa kanyang kaibigan.

“PAALAM TITA FANNY SERRANO SALAMAT SA MGA PANGARAL MO AT MGA SALITA NI LORD JESUS NAI SHARE MO SA AMIN. YOU WILL BE MISS BY YOUR DESIGNERS CIRCLE PHILIPPINES FAMILY!! LOVE YOU TF YOU ARE A FRIEND, A MENTOR, A BROTHER TO ME. MARAMING SALAMAT!!” ani Ocampo.

Matatandaang nagkaroon ng “massive str0ke” si Fanny noong Marso 2021. Ayon sa “Megastar” na si Sharon Cuneta.

Tinaguriang “Beauty Pioneer” ng bansa, ilan sa mga celebrity na inayusan ni Fanny sina Sharon. Cherie Gil, Lorna Tolentino at Celia Rodriguez.

Bukod sa pagiging magaling na makeup artist, nagmamay-ari rin si Fanny ng salon at lumabas din sa mga pelikula at telebisyon.

Samantala, ibabahagi ng pamilya ang detalye ng burol at libing ni Fanny sa susunod na araw habang inaasikaso pa nila ang lahat.

Alice Dixson, masaya at proud na ipinakilala ang kanyang magandang panganay na may master’s degree pa

Sikat at matapang na professor, binigyan ng assignment si Frankie Pangilinan kaugnay nang naging pahayag nito