in

Awiting alay ni Dulce para kay Fanny Serrano bago ito mamaalam nagpaluha sa mga netizens

Maraming netizens ang naging emosyonal sa video ng ibinahagi ng mang-aawit na si Dulce habang kinakantahan niya si Fanny Serrano.

Kahapon, nagluksa ang buong Philippine fashion at beauty community. Sa biglaang pagp4naw ng kilalang celebrity makeup artist at stylist na si Fanny Serrano.

Kanya-kanyang post sa social media ang kanyang mga kaibigan sa fashion world at entertainment industry tungkol sa kanyang pamamaalam.

At isa na nga dito ay ang magaling na mang-aawit na si Dulce. Nagpaalam si Dulce sa kanyang kaibigang si Fanny sa pamamagitan ng video na kinakantahan niya ito ilang linggo bago ito binawian ng buhay.

Habang inaawitan ang tanyag na makeup artist at fashion designer ay inaalayan din ito ni Dulce ng dasal.

Aniya sa caption ng kanyang video, “Thank You Father God for my beloved friend, kapatid FANNY SERRANO… I love you TF.  No more pain no more suffering… Rejoice now in paradise…”

Naantig naman ang maraming netizens sa naturang video.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“thank you ma’am for singing for him a song of reassurance about Lord God’s powerful love. For sure he felt that he doesn’t have to worry about anything else and it was time to go back HOME when he knew he’s dearly loved here on Earth and in heaven”

“Nakakakilabot, nakakaiyak, rest in peace tita Fanny thank u for heartwarming song miss Dulce”

Sikat at matapang na professor, binigyan ng assignment si Frankie Pangilinan kaugnay nang naging pahayag nito

Viral na si Skusta Clee, idinitalye at ipinaliwanag ang naging huling pahayag nito