in

Sa gitna ng pangunguna ni Robin Padilla, Mariel Padilla tumungong Spain kasama ang dalawang anak

Sa gitna ng pag-trending ni Robin Padilla bilang number 1 senator, Mariel Padilla tumungong Spain kasama ang dalawang anak.

Ayon sa ulat ng BANDERA, bandang alas otso kagabi, May 10, ay nasa eroplano na umano ang mag-iina ni Robin.

Kasama ni Mariel ang dalawa nilang anak na sina Isabella at Gabriella. Pati na din ang lolo Rafael at lola May Sazon nito.

Base sa mga nabasa nilang comments sa Twitter, ay hindi umano nagustuhan ng pamilya ni Mariel. Ang pangunguna ni Binoe sa bilangan sa pagka-senador.

Marami kasing kumekwestyon kung bakit si Robin ang nanguna, at alam daw ito ni Mariel pero pinagsawalang bahala na lamang niya.

Kaya panay pasasalamat lang daw ang naging pahayag ng magaling na tv host sa mga sumuporta sa kanyang mister.

Nang matanong umano kung kasama ba nila si Robin ay sinabi ni Mariel na sila lamang mag-iina at ang kanyang mga grandparents ang kasama niya.

Hindi rin daw nabanggit kung magtatagal ba sila sa pain at kung susunod nga ba si Robin sa kanila sa nasabing bansa.

Tila umiiwas daw si Mariel na makwestyon kung bakit nga ba nanguna sa bilangan ang kanyang asawa.

Gayunpaman, kahit maraming kumekwestyon sa kakayahan ni Robin ay marami din ang nagtatanggol sa aktor.

Lalong lalo na ang Muslim community na nagdiriwang ngayon dahil sa pagkapanalo ng kanilang idolo at tinuturing na kapatid.

Tweet ni Alex Gonzaga tungkol sa pagbabati matapos ang eleksyon dinumog ng Kakampinks

Alice Dixson, masaya at proud na ipinakilala ang kanyang magandang panganay na may master’s degree pa