in ,

Alice Dixson, masaya at proud na ipinakilala ang kanyang magandang panganay na may master’s degree pa

Maraming netizens ang nagulat sa latest chika ng Kapuso actress na si Alice Dixson tungkol sa “panganay” niyang anak.

Hindi pala si Baby Aura ang unang anak ng “First Lady” kontrabida kundi si Sassa na dalagang-dalaga na ngayon at master’s graduate pa.

Pinakilala ni Alice Dixson ang kanyang anak sa post sabay pahayag sa sarili na “Happy Mother’s Day.”

Nag-share si Alice ng ilang photos at video clip kung saan makikita ngang kasama niya si Sassa.

“Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; 1st with Sassa our panganay.”

“Nang dumating nabuo ang munting pamilya. Tho hindi ko sya na-introduce formally when she was a teen kasi napakaprotective ng father nya.

“Pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa – the world is now her oyster. I’m so very proud the woman you are & becoming… beautiful inside and out,” pagmamalaki pa no Alice sa kanyang dalagang anak.

“Happy Mother’s Day to me and all the mom matrastas like me… thank you for your greetings,” pahabol pa niyang mensahe.

Noong April 2021, ibinandera ng 52-year-old actress na isa na siyang ina at kapiling na niya si Baby Aura na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy.

Kasunod nito, last September, 2021 naman ay ipinakita rin niya for the first time ang itsura ng kanyang long-time partner, ang tatay ni Baby Aura.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Sa gitna ng pangunguna ni Robin Padilla, Mariel Padilla tumungong Spain kasama ang dalawang anak

Sikat na celebrity makeup artist na si Fanny Serrano namaalam na sa edad na 72