in

Tweet ni Alex Gonzaga tungkol sa pagbabati matapos ang eleksyon dinumog ng Kakampinks

Below the belt comments ang natatanggap ngayon ni Alex Gonzaga sa kanyang tweet tungkol sa pagbabati ng mga nagka-away away.

Nitong nagdaan na halalan ay naging mainit nga ang batuhan ng salita ng kabi-kabilang kampo. Upang ipagtanggol ang kani-kanilang mga kandidato.

‘Bardagulan’ kung tawagin ang mga pasaringan ng mga supporters hanggang sa nagkakapalitan na din ng masasakit na salita ang bawat isa.

Kaya naman ngayong tapos na ang eleksyon, marami ang nagnanais na magkaroon na ng peace. At isa nga dito ay si Alex Gonzaga.

Sa kanyang tweet, ninais ni Alex na magkabati bati na ang mga nagkaaway-away ng dahil sa halalan. Aniya sa kanyang tweet, “Sana lahat ng nag-away magkabati na”

Ang mabuting hangarin na ito ni Alex ay dinumog naman ng hateful comments mula sa mga Kakampinks.

Na hanggang ngayon ay sinisisi pa din si Alex at kapatid niyang si Toni dahil ibang kandidato ang kanilang inendorso.

Puro below the belt comments ang natanggap ni Alex, ang iba pa nga ay minumura siya at hiniling na may masamang mangyari sa kanya.

May ilan pang nagsabi na kaya daw hindi magka-anak si Alex ay dahil hindi daw nito iniisip ang magiging kinabukasan nito dahil sa pinili niyang kandidato.

Gayunpaman, wala naman ni isang sinagot si Alex sa mga tirada sa kanya ng mga kakampinks.

Mga tinuring na kaibigan ngunit hinayaang sirain ang kanyang pamilya, binantaan ni Zeinab na iisa-isahin kaibigan

Sa gitna ng pangunguna ni Robin Padilla, Mariel Padilla tumungong Spain kasama ang dalawang anak