in

Mga tinuring na kaibigan ngunit hinayaang sirain ang kanyang pamilya, binantaan ni Zeinab na iisa-isahin kaibigan

Matapos ang paglabas ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga kung saan binunyag niya na single mom na siya. Sunod sunod ang matapang na pahayag ni Zeinab Harake sa kanyang instagram story tungkol sa saloobin sa kanyang kaibigan na aniya ay isa sa naging daan sa pagkasira ng pamilyang kanyang binuo.

Burado na ang naturang Instagram story ngunit marami sa mga netizens ang nakapag-save ng screenshot nito. Ayon kay Zeinab, iisa-isahin niya ang mga ito na naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya niya.

Nagkomento din si Zeinab sa pagbati ng naturang kaibigan para sa kaarawan ng kanyang anak na si Bia. Ibinahagi ng naturang kaibigan niya ang naging pagbati ni Skusta Clee sa kanyang anak. Dito ay nagkomento si Zeinab na hindi umano masaya ang anak niyang makatanggap ng pagbati mula sa taong hinayaang masira ang pamilya niya.

Matatandaang sa kanyang huling vlog, hindi na napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Mensahe ni Alex Gonzaga sa asawang si Mikee Morada, pina excite ang mga netizens

Tweet ni Alex Gonzaga tungkol sa pagbabati matapos ang eleksyon dinumog ng Kakampinks