in ,

Idinaan sa kanta? Skusta Clee inamin na ang totoong nangyari sa kanila ng ex at ina ng anak na si Zeinab Harake

On and Off na relasyon noon pa man, pero this time, wala tayong naririnig na kahit ano mula kila Skusta Clee at Zeinab Harake tungkol sa totoong estado nila.

Kung noon, kabi-kabila ang palitan ng tirada ng ex couple na ito upang ihayag kung sino nga ba ang may kasalanan tuwing naghihiwalay sila.

Ngunit ngayon, tila tikom at tahimik lamang ang dalawa. Hinayaang ang mga followers nila na mag conclude sa bakit nga ba hiwalay na ulit sila.

RELATED: Mga cryptic hugot sa IG live ni Zeinab Harake usap usapan sa social media

Halos isang buwan na nga ang nakalilipas ng unang umingay ang balitang hiwalay na diumano sina Zeinab at Skusta.

Unang napansin ito ng mga netizens dahil wala ang OPM singer rapper. Nang ibur0l ang second baby sana nila ni Zeinab na si Baby Moon.

Kasunod naman niyon ay ang pag-unfollow at pagbura nila sa mga larawan nila sa Instagram.

Absent din si Skusta sa engrandeng first birthday celebration ng anak nilang si Bia.

Pero nito lamang, tila nagbigay ng pahiwatig ang OPM rapper na si Skusta Clee na wala na talaga ng sikat na vlogger. Tila idinaan niya ito sa kanyang awitin.

 

 

 

 

Viral ngayon ang isang video na kuha sa tour ni Skusta sa Dinagat Island. Kung saan kinakanta niya ang kanyang awiting ‘Zebbiana’

Pinalitan niya ang mga lyrics ng kanta na imbes na ‘ikaw pa din ang baby ko’ ang sinabi niya ay ‘hindi na kita baby ko’

 

Matapos ng kantang iyon ay sinabi niya sa mga fans niyang naroon na alam naman daw ng mga ito ang pinagdadaanan niya.

RELATED: Sa gitna ng hiwalayan issue nila ni Zeinab Harake, Skusta Clee may madamdaming mensahe para sa anak na si Bia

 

Nagpasalamat din siya dahil palagi daw nakasubaybay ang mga ito sa mga ganap niya sa buhay. Sinabi din niya na kaya siya matatag ay dahil nariyan ang kanyang mga supporters.

 

Panoorin dito ang nasabing video:

Daniel Padilla, kita sa video habang nagagalit sa mga guard dahil sa ginawa ng mga ito sa kanyang mga fans

Sikat na Pinoy vlogger/pr4nkser na TUKOMI, gumawa ng Arabo pr4nk, maaring kasuhan ng Muslim community