in ,

Sharon Cuneta, super proud sa new achievement ng panganay na si KC sa Hollywood

Si Megastar Sharon Cuneta na siguro kung matuturing ang pinaka proud na ina sa lahat.

Bagamat bihira sila magkasama at magkita ng panganay na si KC Concepcion, lagi parin namang update si Sharon sa lahat ng nangyayari sa anak.

 

May new achievement kasi ang kanyang panganay sa career nito bilang aktres.

Si Megastar mismo ang nagrepost ng isang video na nagpapakita ng mga lumang larawan at clips ng anak.

 

Sa caption niya, ibinahagi ng singer/actress kung gaano siya ka-proud kay KC sa pagiging bahagi ng isang all-Asian, mostly Pinoy Hollywood movie.

“My eldest @kristinaconcepcion now doing an all-Asian, mostly Pinoy Hollywood movie. Tina, I am proud of you! Show the world what you’ve got!”

 

Nitong nakaraang Abril nang makumpirmang si KC ang gaganap na leading actress role sa romantic-comedy film.

 

Ayon sa reports, si Toni Gonzaga sana ang nakatakdang gumanap sa lead role ngunit kinailangang mag-drop out dahil sa kanyang busy schedule.

 

Samantala, nauna nang kinumpirma ni KC ang nasabing project kasama ang aktor na si Dante Basco sa kanyang Instagram account.

 

“Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast and crew.” 

Samantala, ayon kay KC, naramdaman daw talaga niya na para sa kanya ang project sa sandaling mabasa niya ang script.

 

Bagama’t wala pang nilalabas na petsa kung kelan ito ipapalabas, umaasa silang makakapasok ang pelikula sa Metro Manila Film Festival sa susunod na taon.

B4sher ni Heart Evangelista, nakatikim ng malutong na mura dahil sa malalang komento nito sa kanya

Daniel Padilla, kita sa video habang nagagalit sa mga guard dahil sa ginawa ng mga ito sa kanyang mga fans