in

Drew Arellano may nakakatuwang komento sa bikini photos ng pregnant wife niyang si Iya Villania

Kinagigiliwan ngayon ng mga netizens ang nakakatuwang reaksyon ni Drew Arellano sa bikini photos ng misis na si Iya Villania.

Kamakailan nga lamang ay ibinida ni Iya ang kanyang baby bump. Sa upcoming fourth baby nila ng mister na si Drew.

Sa Instagram, todo ang pag-flex nito ng kanyang tiyan habang nakasuot ng two piece swimsuit. Mas feel niya umano kasing maging sexy sa tuwing siya ay nagbubuntis.

“For those of you who know me, I’m quite conservative so to see me in a swimsuit must mean I’m confident and for some reason, it’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident,” caption nito sa IG.

Dagdag pa ni Iya, sabik na rin umano siyang makita ang kanyang baby number four.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na humanga sa mga larawang iyon ng Kapuso actress tv host.

Nangunguna nga sa agad na nag-comment sa naturang post niya ay ang mister na si Drew. Biro ni Drew sa kanyang kumander, baka mabuntis uli niya si Iya.

“Bahala ka! Mabubuntis ka na naman nyan eh!” aniya. Na sinagot ni Iya ng “Talaga lang ha??? Sure ka??” na kinagiliwan naman ng kanilang mga followers.

Pang-apat na baby na nina Iya at Drew ang ipinagbubuntis ng celebrity mom. At baby boy uli ang kanyang isisilang at right timing na nagpapagawa sila ng bahay ni Drew, kailangan nila ng spacious house for their four kids.

Wil Dasovich at Carla Humphries nagkakamabutihan na nga ba?

Baby Reveal! Angeline Quinto, masayang ibinahagi ang kanyang 1st born baby