in ,

Andrea Brillantes balak umano kasuhan si Ogie Diaz noon sa paglalabas nito sa isyu sa ‘Dressing room.’

Matapang na hinarap ni Andrea Brillantes ang mga kontrobersyal issue sa kanya nito lamang sa isang IG live.

Isa nar rito ang naging totoong relasyon nila ng ka love team na si  Seth Fedelin kung saan dawit pa si Francine Diaz.

 

Sa kabila nito, maalala naman nitong Enero lamang ay naglabas si Ogie Diaz ng isyu na tila may kinamalan sa isa sa tinalakay ni Andrea sa kanyang Andrea.

 

Sa isang episode ng ‘Showbiz update’ vlog nila Ogie, naikwento ang isang naganap umano na panunugod sa isang batang aktres sa kapwa aktres at kaibigan pa sa isang dressing room.

 

Aniya ni Ogie noon,

“Pagdating sa trabaho okay sila, pero may kaniya-kaniya silang set of friends. Eh ang lumalabas tuloy na mabait ay itong si Francine. Itong maldi-maldita_raw ay itong si Blythe,si Andrea. Iyan yung mga nakakarating sa atin, ano…”Na sinundan na nga ng panunugod sa dressing room isyu.

 

 

Ayon sa live ni Andrea, nagbalak nga daw ito noon magsampa ng k4so laban sa taong naglabas umano ng pangyayaring ito.

 

Binigyang reaksyon namang muli ni Ogie sa vlog nito ang pag aamin ni Andrea, tanong ni mama Loi, “Sa tingin mo nay, ikaw kaya ‘yun?

 

Sagot ni Ogie, “Basta, ayon sa aking source, ganun ang nangyari. ‘Di naman nanugod siguro, pumunta sa kwarto para sabihing, ‘May love team tayo.’

 

Dagdag pa nito,  “Well, kung ang stand d’yan ni Andrea ay hindi totoo, so be it. Edi hindi totoo.”

 

Sa usaping cctv naman nasabi nito na aniya,“Wala namang CCTV sa dressing room.”

 

Sa huli sinabi nalamang ni Ogie na,“For as long as alam mo yung totoo, alam mo yung naganap doon, hindi kailangan ng validation ng tao ngayon, kung ito ang sinasabi ni Andrea na hindi ‘yun totoo, edi ibigay natin sa kanya ‘yun.”

RELATED: 

Ate Chona daw? Andrea Brillantes, namimili di umano ng kaibigan sa showbiz, Ogie Diaz may mensahe para sa batang aktres

 

Zeinab Harake nagluluksa ngayon sa pagkawala ng pangalawang anak sana nila ni Skusta Clee

Angel Locsin proud na ifinlex ang kanyang swimsuit photo habang nagbabakasyon ngayon sa Boracay