in ,

Sinasabing anak nila Coco Martin at Julia Montes, ibinunyag ni Ogie Diaz

Isa sa maituturing na legit source ng mga showbiz insights ang talent manager /  columnist na si Ogia Diaz.

 

Mama Ogs kung tawagin ang batikang kolumnista at marami ang nag aabang sa kanyang mga inilalabas na chika.

 

Maingat sa paglalabas ng mga insights si Mama Ogs ngunit nito lang ay tila nadulas ito sa isang matagal ng pinaguusapan na big issue.

 

 

Hindi sinasadyang nasabi ni Ogie Diaz na babae pala ang anak nina Julia Montes at Coco Martin.

 

 

Sa showbiz update vlog ni Ogie kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, napag-usapan nila sina Coco at Julia.

 

 

Ito ay dahil sa nagviral na mga larawan at video ng dalawa. Sa naganap na surprise birthday party ni Coco para kay Julia.

 

Ayon kay Ogie, mukhang mas okay na sa dalawang Kapamilya star ang hindi paglantad ng kanilang relasyon at mas gusto ang ‘what you see is what you get’.

 

Nasabi pa ng kolumnista,

“Tayo na lang ang mag-conclude kung sila, eh di sila.”

 

 

Sa kanilang kwentuhan, naungkat din ang dating intriga na may anak na nga sina Coco at Julia. Kahit pa nga iniiba na ni Ogie ang topic ay nangungulit si Mama Loi na ungkatin ang tungkol sa anak umano ng dalawang Kapamilya stars.

 

 

“Baka rin gusto nila ‘yung ganun lang na hindi umamin at amin lang ‘tong anak namin at hindi para isapubliko ‘yung anak namin.” 

 

 

Ngunit kahit na tila naiintindihan din naman ni Mama Ogs ang gustong privacy ng alleged couple, para sa kanya ay mas maganda parin kung magiging proud sila sa kanilang alleged child.

 

 

“Pero siyempre di ba, kahit sino proud ka sa anak mo gusto mo siyang ilabas. Gusto mo siyang ipagbanduhan na we are the proud parents of this girl.”

 

 

Pero mas lalo lang naintriga si Mama Loi tungkol sa mga nasabi ni Mama Ogs.

 

 

Napapikit na lang si Ogie na tila wala na siyang lusot,

“Kung ayaw isapubliko hayaan na natin. Basta ang importante, e, happy sila. Kung totoo man ‘yan hindi naman sa atin kinukuha ‘yung panggatas ng baby nila.”

 

Watch the video here:

 

Gretchen Barretto walang preno! Diretsahang tinirada si Kris Aquino

Sikat na American singer na umawit ng “Because of You” natagpuang wala nang buhay sa isang condo sa QC