in ,

Sikat na American singer na umawit ng “Because of You” natagpuang wala nang buhay sa isang condo sa QC

Ang 55 year-old, American singer-songwriter na si Keith Martin, na nagpasikat sa kantang “Because of You,” ay natagpuang wala nang buhay sa isang condominium unit sa Quezon City noong Biyernes, March 25.

 

 

Ayon sa pulisya, isang residente mula sa kalapit na unit ang nag report sa property manager ng nasabing condo na may masangsang na amoy daw na nagmumula sa ikaanim na palapag ng gusali.

 

 

Na-trace nila ang amoy at nalaman na galing ito sa unit ni Martin. Agad namang ipinaalam ng property manager sa mga opisyal ng barangay ang report na natanggap.

 

 

Bandang alas-10:50 ng umaga nang pumasok sa nasabing unit ang mga opisyal ng barangay at mga tauhan ng condominium at doon nga nakita ang katawan ni Martin sa kama.

 

 

Agad din naman nila itong inireport sa pulisya. Dito na napagalaman na maaring isang linggo na ang katawan ni Martin sa nasabing unit kaya umamoy na ito.

 

 

Dinala naman ang katawan ng singer sa punerarya at magsasagawa ng otopsiya para matukoy ang sanhi.

 

 

Labis labis naman ang lungkot at dalamhati ng mga local friends ni Keith Martin sa nangyari dito na ilang taon narin pala namamalagi sa bansa. Ilan sa kanila ay sina Kyla, Daryl Ong, Kris Lawrence, at ang aktres na si Sheree Vidal Bautista,

 

.

.

.

.

 

Huling public appearance ni Keith ay noong March 12 wedding day nina Daryl Ong at misis na si Dea Formilleza sa Antipolo City, kung saan nagperform siya sa reception.


Narito ang huling live performace ng American singer.

Sinasabing anak nila Coco Martin at Julia Montes, ibinunyag ni Ogie Diaz

Jeric Raval matapang na ikunwento kung ano ang gagawin niya kung sakaling may mananakit ng pisikal sa anak na si Aj Raval