in ,

Megastar Sharon Cuneta, humingi ng paumanhin sa mga sinabi niya sa post tungkol kay Panelo, sinabing namisinterpret lamang siya ng marami

Matapos makatanggap ng sangkatutak na negative comments, veteran singer Sharon Cuneta naglabas ng emosyonal na post, paliwanag at paumanhin sa naging post nito sa “Sana’y Wala Nang Wakas” controversy.

 

.

READ ALSO: 

Sharon Cuneta naglabas ng sama ng loob sa pagkawalang respeto umano ng mga Pilipino: “Lumabas pagkabast0s”

Ganito na lamang ang kontrobersyal na reaksyon ni Sharon Cuneta nang kantahin ng senatorial candidate at dating presidential legal counsel na si Sal Panelo ang kanyang iconic song na “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Ibinunyag ni Sharon, asawa ni Kiko Pangilinan, sa isang emosyonal na social media post ang pakaramdam niya ng “slighted” matapos gamitin ang kanyang kanta ng isang tao mula sa ibang partido dahil paniniwalang “minamaliit” ang kandidatura ng kanyang asawa.

 

 

“Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa?”

 

 

Dagdag pa niya, labis siyang nasaktan sa ginawang ito ni Panelo, kaya ganito ang naging post niya laban sa senatorial candidate.

“Nasaktan ako. Ang pagkakamali ko lang, sana yun mismo ang pinost ko. Pero dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya madaming di nakaunawa.”

 

 

Kahit ipinaliwanag ni Panelo kung bakit niya ito inawit, nakaramdam parin ng “OFF” feeling ang singer/actress sa sitwasyon.

“My song is thirty-six years old. Ilang libo na ang umawit ng kanta ko sa parties, contests, shows. Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino.” 

 

 

Sa katunayan pa nga raw, she felt honored tuwing may ibang taong aawit ng kanyang mga kanta, katunayan na hindi niya talaga ito ipinagdadamot kailanman, pero iba ang dating kapag ganitong panahon.

 

“In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing…Pero panahon ng kampanya ngayon. Iba ang dating sa akin nung inawit ng politiko na hindi namin kapartido.” 

 

 

Humingi siya ng paumanhin sa mga taong nasaktan sa kanyang mga pahayag, na sinabing maaari niyang iexpress ang kanyang sarili nang mas direkta at magalang.

 

 

Habang nasaktan siya sa mga negative comments ng mga tao, sinabi ni Sharon Cuneta na dahil dito ay napatunayan niya kung sino ang kanyang mga tunay na kaibigan at kung sino ang tunay na nagmamalasakit sa kanya.

 

 

“Alam niyo, nung araw, dinidibdib at nilulunok ko na lang kasi lahat pag ang feeling ko pagbabangga o pag”kalabit” sa akin in a bad way. Napagod ako, natutong sumagot, lumaban… But I should check myself and never act immediately when I am highly emotional.”

 

 

Sa huli, ipinaliwanag niya kung bakit nagpost siyang muli upang ipaliwanag ang sarili.

“I am posting this knowing so many have already decided they would hate me whether I did or said something, or even when I didn’t. That doesn’t matter. What does is that those of you who love me know that this is from my heart.”

 

 

At humingi muli ng paumanhin sa publiko,

“Again, I am sorry. And how I wish tapos na ang buwan ng Mayo.”

 

 

Narito ang buong post ni Mega

 

Anak ng Tarlac mayor sinagot ang mga pasaring ni Kris Aquino tungkol sa mga ‘walang utang na loob’

Gretchen Barretto walang preno! Diretsahang tinirada si Kris Aquino