in

Gretchen Barretto walang preno! Diretsahang tinirada si Kris Aquino

Inaani lamang ni Kris Aquino ang itinanim nito noong nasa kapangyarihan ang Aquino family.

Ito ang paglalarawan ni Gretchen Barretto sa mga nangyayari ngayon sa Queen of All Media. Sinabi ito ni Gretchen nang ipinagtanggol niya ang sarili. Laban sa akusasyong nakikisawsaw siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Kris.

Maiinit na salita nga ang pinakawalan ni Greta laban kay Kris sa isang viral video ngayon sa Facebook.

“Kris, kung talagang mahal mo ang Pilipino at ang buong Pilipinas sana prinotektahan mo ang mamamayang Pilipino. Because at that time na your brother (ABNOY) was in power, he was the president of the Philippines,” saad ni Gretchen.

Binanggit din nito ang pangalang Alice Eduardo na tinulungan umano ni Kris na mapababa ang binabayad na tax sa gobyerno. Na ang kapalit umano ay mga luxurious things tulad ng bags, damit, at sapatos.

“No I’m not going to stop. May mga nagsasabing stop. No I’m not going to stop. You know, I am a Filipino. We all pay taxes. We all work very hard so my point is, prinotektahan ni Kris Aquino when she was in power and when she was saying, ‘I love ate Alice.’ Whatever girl, you love her so much. You know in exchange of like bags and clothes and shoes,” dagdag pa ng dating aktres.

“And that’s so not fair. And right now, I hate to gloat that you’re suffering right now. I mean we don’t like that. We don’t gloat when somebody is suffering because that is karma. But right now that is what’s happening,” pagtatapos ni Gretchen.

Panoorin dito ang nasabing video:

Samantala, napag-alaman na ang pinagpistahang video ni Gretchen laban kay Kris ay luma na. Lumabas ito nu’ng January 2019 pa.

Megastar Sharon Cuneta, humingi ng paumanhin sa mga sinabi niya sa post tungkol kay Panelo, sinabing namisinterpret lamang siya ng marami

Sinasabing anak nila Coco Martin at Julia Montes, ibinunyag ni Ogie Diaz