in

Anak ng Tarlac mayor sinagot ang mga pasaring ni Kris Aquino tungkol sa mga ‘walang utang na loob’

Binweltahan ng anak ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles ang mga pasaring ni Kris Aquino. Sa dinaluhan nitong grand rally ni VP Leni Robredo sa Tarlac.

Sa katatapos lang na rally sa nasabing bayan, maiinit na salita ang binitawan ng Queen of All Media. Tungkol sa isang taong tinawag niyang “walang utang na loob.”

Ani Kris na nabubwisit daw siya sa isang tao na hindi naman niya pinangalanan.

“Sorry, sinabihan akong huwag makipag-away, pero nabubuwisit po talaga ako. Dahil nakakabuwisit talaga yung walang utang na loob,” mahabang litanya ni Kris. May mga nagsabing patama ito sa alkalde ng Tarlac.

Kaya naman sa kanyang social media account, pumalag ang anak ni Mayor Angeles na si Anvi. Kalakip ng video clip ng pahayag ni Kris sa rally, saad ni Anvi “Ms. @krisaquino , we would like to know kung ano po ang ‘utang na loob’ ng family namin na binabanggit niyo?” wika ni Anvi sa isang Instagram post.

“Since the beginning, we had high respects for your family. Sa amin pong pagkaka-alam, never did we ask for any help or favor from your family,” aniya pa.

Lahad pa ng anak ni Mayor Angeles, si Cory Aquino umano ang lumalapit sa kanila noon para humingi ng tulong sa pangangampanya.

“Wala po kaming hiningi ng kahit anong tulong o pabor (pinansyal man o trabaho) na kapalit sa pamilya ninyo. Ito po ay sa kadahilanang mataas ang aming respeto sa inyong ina,” giit pa ni Anvi.

“I was a silent witness to the sacrifices, kapaguran at malasakit ng parents po namin sa family niyo po.”

Sa huli banat pa ni Anvi, “Siguro po naturuan din kayo ng tamang pag-uugali ng magulang po ninyo”

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anvi Angeles (@anviangeles)

Malapit na kaibigan ni Ana Jalandoni sinupalpal ang mga paratang ni Xian Gaza laban sa aktres

Megastar Sharon Cuneta, humingi ng paumanhin sa mga sinabi niya sa post tungkol kay Panelo, sinabing namisinterpret lamang siya ng marami