in

Rabiya Mateo naging palaban! Nakipagsagutan sa mga b4shers sa TikTok

Kakaibang Rabiya Mateo ang nasilayan ng madla ngayon dahil sa pakikipagbardagulan nito sa mga b4shers niya sa TikTok.

Naganap ang pakikipagsagutan ng beauty queen-turned-actress sa kanyang TikTok account. Kung saan nag-post s’ya ng throwback video kahapon, March 22.

Nagbalik-tanaw kasi si Rabiya sa pageant days niya at nag-upload ng video ng kanyang pasarela sa training bago lumaban sa Miss Universe 2020 na naganap sa Florida, U.S.A. noong May 2021.

Makikita sa video si Rabiya na nakasuot ng pulang bikini habang mina-master ang pinauso niyang “Hala Bira” walk.

“Na-miss ko din maglakad na parang mababale na ’yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again?” caption ni Rabiya sa kanyang video.

@rabiyamateo Namiss ko din maglakad na parang mababale na yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again? #missuniverse #missuniversephilippines #rabiyamateo ♬ My Universe – Coldplay x BTS

Umani ng papuri si Rabiya mula sa kanyang mga tagasuporta pero hindi rin siya nakaligtas sa mata ng kanyang mga b4shers.

May ilan dito na pinatulan si Rabiya sa comments section ng kanyang TikTok post. Ang isa sa mga ito, tila minaliit ang kanyang Top 21 placememt sa Miss Universe 2020 pageant.

Ngunit natatawang reply ni Rabiya: “Atleast di binabayaran hahahaha”

Komento naman ng isa pa, “Naku Rabiya medyo di ko bet rampa mo.”

“Same. Di din kita bet po. Hahaha! Bakit kaba nandito? Hahahaha,” balik na pang-aasar ni Rabiya.

May isa pang nagkomento ng, “wag na talo ka naman e.” Palabang reply ng Kapuso actress: “Hahaha talo nga pero ganito naman po yung face ko, panalo padin. Kesa naman po ganyan mukha ko kagaya nyo, nako forever talo talaga ako nyan hahahaha”

At presss time ay dinelete na ni Rabiya ang kanyang mga comments pero marami nang nakapag-screenshots ng mga ito

Erich Gonzales ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo

Kit Thompson nagbabalak na sanang pakasalan si Anna Jalandoni bago pa maganap ang masalimuot na insidente sa pagitan nila