in ,

Kit Thompson nagbabalak na sanang pakasalan si Anna Jalandoni bago pa maganap ang masalimuot na insidente sa pagitan nila

Usap-usapan ngayon na plano na pala sanang pakasalan ni Kit Thompson ang nobya na si Ana Jalandoni bago pa nangyari ang mapait na insidente sa isang hotel.

 

 

 

Mainit  na pinag-usapan nina Ogie Diaz at mga kasamahan nito ang kontrobersyal na pangyayari sa relasyon ng Kapamilya actor na si Kit Thompson at ang dating kasintahan nito na si Ana Jalandoni.

 

 

 

Ayon kay Mama Ogs, talaga daw na mahal na mahal ni Kit Thompson si Ana. Dagdag pa niya ay labis daw nitong pinagmamalaki ang nobya sa mga katrabaho nito sa showbiz.

 

 

Para kay Kit, nakita na daw niya ang kanyang magiging future wife.

 

 

Dahil gusto na nga niya umano pakasalan ang nobya, ipinakilala na rin daw ni Kit itong si Ana sa kanyang ina.

 

 

Dagdag pa ni Mama Ogs, wala rin namang nakakaalam kung may hint na nga ba itong si Ana sa plano sa kanya ni Kit Thomson.

 

 

Samantala, tila alam narin daw ng ibang kaibigan ni Kit ang pagbabalak ng aktor na lumagay na nga sa tahimik kasama si Ana. Naikukwento narin daw kasi ni Kit sa kanila ang tungkol dito.

 

 

 

“He’s planning to settle na with Ana. In fact ang dami na niyang plano lahat puro si Ana ang kuwento niya.  Looking forward na siya for that day,” ani Ogie.

 

 

Pero mukhang hindi na matutuloy ang pangarap na ito ng aktor dahil ayon kay Ogie Diaz, may asawa na pala itong si Ana Jalandoni at legal ang kasal nila.

 

 

Sa ngayon ay pursigido si Ana na ituloy ang kaso laban sa dating kasintahan na si Kit. Wala pa ring nilalabas na pahayg ang aktor tungkol sa kinakaharap niya ngayon.

 

Rabiya Mateo naging palaban! Nakipagsagutan sa mga b4shers sa TikTok

Kris Aquino, di alintana ang malubhang k4ramd4man, binigay ang 100% na suporta sa rally ni VP Leni sa Tarlac