in

Erich Gonzales ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo

Ikinasal na ngayong araw ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa negosyante niyang boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Bagaman at hindi agad isinapubliko, mabilis pa ring kumalat ang pagpapakasal nina Erich at Mateo. Isang larawan ang agad na naging usap-usapan dahil sa kuha umano ito sa aktwal na kasalan.

Ang nasabing litrato ay nakuha sa Instagram account ng nagngangalang Andres de Leon Lorenzo, ang nakababatang kapatid ni Mateo. Kung saan makikitang nakaharap sa altar ang magkasintahan.

Black and white ang nasabing larawan pero malinaw na nakasuot ng Barong Tagalog si Mateo.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay agad tinanggal na ng kapatid ni Mateo na si Andres ang nasabing larawan ng mga ikinasal pero sa IG story ay makikita pa rin ang larawan ng huli na nakasuot ng barong, itim na pantalon habang pula ang medyas at itim naman ang sapatos nito.

Matatandaang naging viral ang marriage banns nina Erika Chryselle G. Gancayco at Mateo Rafael D. Lorenzo noong Feb.19 na naka-post sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. At kaninang tanghali nga, March 23 ay naganap na umano ang kasalan.

Noong September 2020, sa okasyon ng kanyang ika-30 kaarawan, minsan nang binanggit ni Erich ang kanyang buhay pag-ibig.

Hindi niya ipinakita ang mukha ni Mateo sa vlog, pero mahihinuhang si Mateo ang kasama niya dahil nahagip sa camera na may kasama siyang lalaki na nagmamaneho ng kotseng sinakyan nila.

Sa ngayon ay wala pang ibang detalyeng lumalabas tungkol sa kasalang naganap. Tila nais ng bagong kasal na gawing pribado lamang ang lahat sa kanilang relasyon.

Karen Davila nagpaliwanag matapos mamataan sa caravan ng UniTeam sa Cavite

Rabiya Mateo naging palaban! Nakipagsagutan sa mga b4shers sa TikTok